Mavy Legaspi pinigilan ni Carmina na pasukin ang showbiz; mas mahahasa pa ang talent sa ‘Eat Bulaga’

Mavy Legaspi pinigilan ni Carmina na pasukin ang showbiz; mas mahahasa pa ang talent sa 'Eat Bulaga'

Many Legaspi

NANINIWALA ang Kapuso actor na si Mavy Legaspi na malaki ang maitutulong sa kanya ng bagong version ng “Eat Bulaga” upang mas maging magaling na TV host.

Ayon sa anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, napakagandang opportunity ang mapabilang sa longest-running noontime show sa Pilipinas kasama ang iba pang talentadong Kapuso stars.

Naniniwala si Mavy na mas mahahasa ang talent niya sa hosting ngayong isa na siya sa mga host ng “Eat Bulaga” with her twin sister Cassy Legaspi together with Paolo Contis, Betong Sumaya and Buboy Villar.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 7, natanong nga ang binata tungkol sa kontrobersyal na Kapuso noontime program na dating pinaghaharian ng TV at movie icons na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.


“I’m enjoying. Ako Tito Boy pagdating talaga sa trabaho whatever helps me improve doon ako. So I’m enjoying that I’m improving my skills ‘yun talaga,” pahayag ni Mavy.

Mukhang dedma lang ang binata sa natatanggap na kanegahan at pamba-bash ng mga loyal “Eat Bulaga” fans sa kanilang programa matapos mag-resign ang TVJ pati na ang iba pang original Dabarkads.

Baka Bet Mo: Mavy love na love talaga si Kyline: Thank you for being that smile when I’m feeling blue…thank you for coming into my life

Samantala, naichika rin ng Kapuso heartthrob na sariling desisyon niya ang pumasok sa showbiz at never daw siyang pinilit ng kanyang mga magulang na gawin ito.

Sabi ni Mavy, matagal na niyang gustong pasukin ang mundong kinalakihan ng kanyang mga magulang at nang mabigyan nga siya ng pagkakataon ay sinunggaban na niya ito.

Ngunit pag-amin ni Mavy, noong una raw ay pinigilan siya ng kanyang parents, lalo na ng ina niyang si Carmina.


“Growing up may discouragement. More on my mom kasi she’s very protective pero ‘yung dad ko ever since talagang, ‘Go I want you guys to do it pero kung ayaw n’yo okay lang.’

“Pero si mom kasi iniisip ‘yung bashing, difficulty of the work, puyatan, then less time with friends, very motherly instincts siya pero it was definitely my decision to enter the industry,” pagbabahagi ni Mavy.

Samantala, aside from “Eat Bulaga”, malapit na ring mapanood si Mavy sa upcoming romcom at kilig serye na “Love At First Read” kasama ang  kanyang special someone na si Kyline Alcantara.

Magsisimula na itong umere sa June 12 sa Telebabad block, pagkatapos ng “24 Oras”.

Mavy proud mama’s boy: To the day that I would die, I would be loyal to my mother, I will protect her with my whole heart!

Carmina ‘best blessing’ para kina Mavy at Cassy: A mother’s love is a different kind of love…

Read more...