Kakai: ‘Minsan gusto ring lumandi, pero kapag naiisip ko mga bayarin, nagigising ako sa katotohanang ‘di ko kailangan ng LALAKE para sumaya!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kakai Bautista
MAY mga kumampi, pero meron ding bumatikos sa pa-real talk ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista tungkol sa pakikipagrelasyon ng babae sa isang lalaki at sa isyu ng pera.
Matapang at diretsahan ang pasabog na statement ni Kakai na ipinost niya sa Facebook kung saan inamin niyang may mga pagkakataon na gusto rin niyang “lumandi” sa mga lalaking umaali-aligid.
“Minsan gusto din talagang lumandi at (mamansin) ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya.”
“KAILANGAN ko PERA,” ang nakakalokang hirit ng komedyana.
Kasunod nito, may pa-warning din si Kakai sa mga taong kokontra sa mga pinagsasabi niya, “Bawal dito mga di kayang mabuhay walang LALAKI.”
“Papait kayo sa mga statements ko. Nakakatawa yung mga comments na dapat ‘kaya kang buhayin’ or ‘wag na na kung di ikaw ang bubuhay.’
“HINDI KO YUNG HAHAYAANG MANGYARE SA AKIN. Kase di ako kailangang buhayin ng LALAKE. Una AYOKO.
“Kailangan mas mayaman ako sa kaniya. Pangalawa kung mag-aasawa ako, hindi ko kailangang maging dependent sa pera nya. NO. Yuck for that mindset.
“At hindi ako makikipagrelasyon sa WALANG PERA. Periodt!” dagdag pa ni Kakai.
Samantala, sa isa pa niyang FB status, may ginawa siyang paglilinaw sa naging pahayag niya tungkol sa pakikipagrelasyon.
Aniya, “Don’t get me wrong, naniniwala (pa rin) ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang.
“Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage. BAKIT?
“Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit.”
“Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala syang sariling pera.”
“Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.
“So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!” ang paalala pa ni Kakai sa lahat ng kababaihan.