JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ang iba pang bagong hosts ng ‘Eat Bulaga’
TAWA kami nang tawa sa mga nabasa naming komento mula sa mga netizens na nakatutok sa kontrobersyal na pagre-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang original Dabarkads at sa pag-ere ng new version ng “Eat Bulaga.”
Marami kasi ang nag-isip at nag-suggest ng pwedeng itawag sa tatlong main host ng longest-running noontime show na sina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar.
Sigurado kasing mako-compare ang mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” sa iconic trio na TVJ at sa JoWaPao na kinabibilangan naman ng tatlong TV host-comedian na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
Nu’ng muling umere nang live ang “Eat Bulaga” nitong nagdaang Huwebes, June 1, iba’t iba ang naging reaksyon ng mga manonood at netizens ngunit karamihan sa mga nabasa naming ay puri kanegahan at pang-ookray.
Pero may mga netizens naman na idinaan na lang sa biro at komedya ang nangyayaring kontrobersya sa pagitan ng TAPE Incorporated at ng TVJ.
Tulad na lang ng mga naglabasang komento ng mga viewers ng “Eat Bulaga” tungkol sa iba’t ibang word coinage ng pangalan nina Paolo, Buboy at Betong upang magkaroon daw sila ng sariling tatak o identity.
Isa sa mga nabasa naming suggestion ay “PaBeBu” (na katunog ng pabibo) mula sa unang pantig ng kanilang mga pangalan. May nagsabi naman ng “PBB” na mula sa unang letra ng names ng tatlong host.
Isa namang netizen ang nag-suggest na tawagin silang “BuLoTong” para may impact at recall. Obviously, ito’y mula sa Bu ni Buboy, Lo ni Paolo at Tong ni Betong.
Samantala, kumpirmado na ngang sa TV5 na mapapanood ang TVJ kasama ang iba pang original Dabarkads.
Ayon sa Mediaquest President and CEO na si Jane Basas ngayong araw ng Miyerkules, June 7 na talaga namang ikinatuwa ng mga loyal “Eat Bulaga” fans all over the universe.
Aniya, nagkapirmahan na ang Mediaquest at ang tatlong veteran TV host at showbiz icon ng isang bonggang deal para sa pagpo-produce ng content para sa Kapatid Network at iba pang Mediaquest platforms”.
“I’m happy that Tito, Vic, and Joey will now call TV5 their home. I’m honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us.
“Our partnership strengthens our ability to continue to deliver the best for Filipino viewers here at home and all over the world,” ayon sa official statement ng Mediaquest.
Kalakip naman nito ang short message si Tito Sen tungkol sa paglipat nila sa TV5 upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at inspirasyon sa sambayanang Filipino.
“We are thankful to our friends at Mediaquest for this fresh start. Dahil sa ating mga Dabarkads na naging Kapatid, tuloy pa rin ang tuwa’t saya na aming dala,” pahayag ng dating senador.