Chito biglang nag-trending sa socmed dahil sa SB19, hirit ni Neri: ‘Napa-wow na lang ako!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
SB19, Neri Miranda at Chito Miranda
VIRAL at naging top trending topic sa social media ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Miranda dahil sa mga pinagsasabi nila tungkol sa P-Pop supergroup na SB19.
Todo ang pasasalamat ng milyun-milyong fans and supporters ng award-winning all-male group kina Chito at Neri matapos nilang mabasa ang papuri ng mga ito sa kanilang mga idolo.
Kahapon, nag-post ang aktres at negosyante sa kanyang Facebook account ng “review” matapos mapanood ang music video ng bagong hit song ng SB19 na “Gento.”
Sabi ni Neri sa caption, “Yung pinanood sa akin ng asawa ko ang ‘Gento’ ng SB19… Napa-wow na lang ako! Galiiiiing! Ang galing lahat!
“From SB19, sa director, sa lahat ng bumubuo at gumawa ng music video ng ‘Gento’! Mas lalong nakaka-proud maging Pinoy! Sinasama ang kultura ng mga Pinoy. Kakatuwa!” ang pahayag pa ng tinaguriang wais na misis.
Dagdag pa niya, “Sabi sa akin ni Chito, ‘Paano mo iba-bash ‘yan? Eh ganyan sila kagaling!’
“True naman. Napakahusay ng lahat pati sa staff and lahat ng tumutulong sa SB19 para mas mapaganda lahat ng music videos nila. Mabuhay kayo! More music videos pa pls!” papuri pa niya sa mga miyembro ng grupo na kinabibilangan nina Justin, Josh, Pablo, at Stell.
Ni-repost naman ng bokalista ng OPM rock band na Parokya ni Edgar ang FB post ng kanyang asawa sa Twitter at nilagyan ng caption na, “Magaling talaga sila eh.”
Kasunod nga nito, pinasalamatan ng mga SB19 fans sina Neri at Chito kaya naman mabilis na naging top trending topic ang “Sir Chito” sa Twitter.
In-upload ang music video ng “Gento” last May 19 sa official YouTube channel ng grupo na may mahigit 4 million views na ngayon. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ito sa top trending music videos sa YouTube PH.
Sa darating naman na June 9, iri-release na ang extended play ng SB19 titled “Pagtatag.” At bukod sa two-night concert nila sa Araneta Coliseum ngayong buwan, magpe-perform din sila sa iba’t ibang bahagi ng Canada at Amerika.