Bea Alonzo may nakakalokang rebelasyon, nagkadyowa na araw-araw siyang pinagtitimbang

Bea Alonzo may nakakalokang rebelasyon, nagkadyowa na araw-araw siyang pinagtitimbang

INAMIN ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na naranasan niya noong magkaroon ng boyfriend na conscious sa kanyang katawan.

Ito ay ibinahagi niya sa YouTube vlog ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez.

Naglaro kasi ang dalawa ng “Two Truths and a Lie” at dito nga ay natanong ni Mariel si Bea patungkol sa kanyang naging dating experience.

“‘Yung first, I once blind dated a guy na… hindi ko na ipinagpatuloy kasi mayroon siyang laway na puti sa [gilid ng labi]. Ang gwapo gwapo pa naman niya but hindi ko kinaya so it’s a no for me kahit gaano siya kagwapo.

“Yung second meron akong dyowa na pinagwe-weighing scale ako almost everyday just to check if I’m heavier and then the third is nakipag-break na ako sa isang guy on his birthday na mayroon pa siyang birthday bash, doon ko sinabi ‘yon,” pagbabahagi ni Bea.

Hula ni Mariel, ang pangatlong statement ng aktres ang “lie” at tumama naman siya rito.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may ‘attitude’?

 

At dahil nga ang huli ang lie ay doon nag-focus ang kwento ni Bea at hindi na nito nabanggit ang ilan pang detalye ukol sa ex-dyowa na madalas siyang pinagtitimbang.

Aniya, ang lie lang daw doon ay ginawa niya ang pakikipag-break noong birthday niya at hindo boong birthday ng lalaki.

“Tapos hindi ko alam na may surprise pala siya sa akin. Non-showbiz ‘yung guy. As in hindi ko alam. Biglang ‘surprise!’ tapos kaka-break lang namin,” sey ni Bea.

Aniya, iniisip raw kasi niyang hindi magagalit ang lalaki kasi birthday niya.

Sa ngayon ay hindi na raw sila friends ni guy ngunit friends pa rin nito ang kanyang ibang mga kaibigan at happily married na rin ito with two kids.

Related Chika:
Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw

Bea dumanas din ng hirap sa buhay: Magkano kaya kikitain ko sa linggong ‘to? Makakabayad kaya kami ng kuryente at rent sa bahay?

Read more...