Alfred Vargas mala-superhero ang ganap sa buhay; kering-kering pagsabayin ang pagiging aktor, konsehal, tatay at asawa
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Alfred Vargas, Yasmine Espiritu at ang tatlo nilang anak
SINIGURO ni Konsehal Alfred Vargas na ngayong taon ipalalabas ang pinakaaabangang pelikula na pagsasamahan nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Masayang ibinalita ng aktor at public servant na katatapos lang ng shooting nila para sa pelikulang “Pieta” mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., na siya rin ang nag-produce.
Bukod kay Ate Guy, ka-join din sa movie ang mga award-winning veteran stars na sina Jaclyn Jose, Bembol Roco at Gina Alajar. May special appearance din dito ang hot mama na si Ina Raymundo.
Ayon kay Konsi Alfred, kasalukuyang nasa post-production na ang “Pieta” at naghahanap na rin sila ng magandang playdate para rito. Basta ang siniguro ng aktor ngayong 2023 ito ipalalabas sa mga sinehan.
Sa isang panayam, sinabi pa ni Alfred hinggil sa naging karanasan niya habang ginagawa nila ang movie, “Doon ko lang na-experience ang sinasabi nilang Nora Aunor magic.
“Iba siya talaga. She may be the superstar and National Artist, but when we’re together on-cam and even off-cam, she never made me feel that I’m a small actor. She just made me feel comfortable all throughout. After filming, mahal na mahal ko na talaga si Ate Guy.
“When you are together in one scene, you are in front of each other, you can feel her 100 percent. But when you watch the preview, napaganda pa niya ang scene on her own. Parang naging 200 percent.
“Ang galing na niya while you’re working together, but when you see the preview, it was a lot better. She is a master of it. That was the Nora magic,” pahayag ng aktor.
Samantala, kinakarir naman ng konsehal ang pagbalanse sa pagsisilbi sa bayan at pagiging aktor. Sa katunayan, na-master na niya ang time management at sanay na sanay na siya sa multi-tasking.
Nagte-taping siya para sa Kapuso series na “AraBella”, tuluy-tuloy ang mga gawain niya bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City at siyempre, kailangang maglaan din siya ng quality time para sa kanyang pamilya.
Bukod dito, naisisingit pa niya sa kanyang schedule ang pag-aaral. Kumukuha siya ngayon ng PhD in urban planning sa UP School of Urban and Regional Planning (UPSURP).
So, ang ang kanyang sikreto sa pagiging “superhero” na parang walang kapaguran sa pagtupad sa mga tungkulin niya sa buhay? “Dapat, ‘yung mga kasamahan mo, magagaling din saka pare-parehas kayong naniniwala sa ginagawa n’yo.
“Saka, halimbawa, kung sa office, swerte ako, magagaling mga staff ko saka masisipag, so nababawasan trabaho ko. Pag-uwi ko naman ng bahay, si misis, inaasikaso na lahat,” pagbabahagi ni Cong. Alfred.
Pagdating naman sa family time, “Dapat talaga, ini-schedule mo lahat. Ako, naka-schedule ‘yung time ko, eh. Pag busy ka talagang tao, ‘yung personal time mo, dapat ini-schedule mo.”
In fairness, kahit super busy ay nagagawa pa rin niyang samahan ang mga anak sa kanilang mga hobbiesbat extra curricular activities tulad ng swimming, volleyball at drawing lessons. At siyempre, may date nights din sila ng kanyang wifey na si Yasmine.
At kapag nakakaramdam na raw sya ng pagod at stress, humihingi na siya ng ilang araw na bakasyon para makapag-recharge at makapag-rest nang bonggang-bongga.