JC founders Jonathan So at Carl Macadangdang, GMA artists sumuporta sa Gawad Kalinga

JC founders Jonathan so at Carl Macadangdang, GMA artists sumuporta sa Gawad Kalinga

NAGING mas makabuluhan  ang birthday ngayong taon ni JC House of Franchise founder Jonathan So.

Nagbahagi ng mga biyaya at nagbigay kasiyahan si So sa mga pamilyang  benepisaryo ng Laura Drive  Gawad Kalinga kasama ang kanyang business partner na si Carlito Macadangdang.

Namigay din ang dalawang matagumpay na negosyante ng 100 lootbags sa mga pamilya.

Bukod pa sa 80 lootbags na naglalaman ng mga gamit pang-eskuwela sa elementary students.

At 90 lootbags ng school supplies para sa Grade 7 hanggang senior high school students.


Isinagawa ang outreach program sa pagtutulungan ng JC Cares at Gawad Kalinga.

Nakasama nila sina GMA Sparkle artists AZ Martinez at Althea Ablan.

Baka Bet Mo: Rico Blanco tinupad ang ‘anniversary wish’ ni Jonathan Manalo

Kapwa sinabi nina Go at Macadangdang na mas nagiging makabuluhan ang anumang okasyon kung ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mga nangangailangan, partikular na sa mga bata.

Kasama nila sa kanilang charity event sina JC-HOF’s top franchisees Dianne Abbigail Tan, Erarev Bacho, Ranielito Macadangdang, Ferdinand Ryan Crisostomo, King Mark Pinos, Kenichi Enda, Jayson Dela Cruz  at Kurt Joseph Nocum.

House of Franchise, ang one-stop-shop mo pagdating sa negosyo

Jake Ejercito mas naging makabuluhan pa ang Pasko at Bagong Taon dahil sa…

Read more...