Movie producer shookt, napanganga sa napakataas na talent fee ng sikat na aktor: ‘Kaya pala nakakabili lagi ng luxury cars’

Movie producer shookt, napanganga sa napakataas na talent fee ng sikat na aktor: 'Kaya pala nakakabili lagi ng luxury cars'

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

MAY movie project sanang gagawin sa ibang bansa pero hindi pumuwede ang dapat na bidang aktor dahil sapaw daw sa kanyang prior commitment.

Dapat sana ay nitong nagdaang Marso pa ginawa ang pelikula pero dahil hinintay pa ang makakasama nitong kilalang aktres kaya natengga.

Ayaw kasing pumayag ng bidang aktor na iba ang katambal niya kahit sandamakmak na pangalan na ang pinresent sa kanya ay ayaw pa rin.

Nairita ang producer na foreigner dahil ang tagal na ngang natengga ang project kaya’t pinapalitan ang bidang aktor at nang malaman naman ito ng isa pang sikat na aktor ay nagprisinta itong siya na lang ang ipalit.

Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Okay naman daw sana ang nagprisintang aktor dahil halos ka-level naman nito ang bidang aktor na pinapalitan kaya’t nakahinga na ng maluwag ang direktor at ang producer na foreigner.

Nang tanungin na ng producer na foreigner kung magkano ang talent fee ng nagprisintang aktor ay speechless ito dahil sobrang taas.

Kinausap ng producer na foreigner ang production team niya kung bakit super taas ng talent fee ng nagprisintang aktor at sinabihang sikat nga ito sa Pilipinas.

Naaliw kami dahil kinailangan pang i-Google ng producer na foreigner ang pangalan ng nagprisintang aktor at nalaman nga niya na sikat ito at marami nang nagawang pelikula at TV series.

Walang nagawa ang producer dahil may deadline na siya kaya ang bilin niya sa production team na imbes na eight shooting days ang nagprisintang aktor ay gawin na lang itong lima o apat.  Lahat daw ng eksena ay kunan na sa mga nasabing araw.

Tinanong namin ang executive producer ng pelikula kung magkano ang talent fee ng nagprisintang aktor. At oo nga, mapapa-speechless ka talaga biro nga namin ay budget na ito ng kalahati ng pelikula.

“Kaya nga si ____ (foreigner producer) laging amoy Katinko. Ha-hahahahaha!” natatawang tsika ng EP ng pelikula.

Hanggang makauwi na kami ng bahay ay hindi pa rin namin lubos maisip na ganu’n pala kalaki ang talent fee ng nagprisintang aktor? Kaya naman pala pawang luxury cars ang nakaparada sa bahay niya sa bandang South.

* * *

Ipagdiwang ang Pride Month ngayong Hunyo sa iWantTFC, ang Home of Filipino Stories, dahil handog nito ang iba’t ibang nakakaantig na kwento tungkol sa LGBTQIA+ community sa special selection na “Love is Love.”

Napapanood na ang pinakabagong iWantTFC original series na “Drag You and Me” tampok sina Andrea Brillantes, JC Alcantara, at Christian Bables bilang mga drag queen. Mapagpipilian din ang ibang iWantTFC originals kagaya ng girls’ love series na “Sleep with Me” nina Janine Gutierrez at Lovi Poe, at “Fluid,” boys’ love (BL) rom-com na “Oh, Mando!,” at ang advocacy series na “Mga Batang Poz.”

Mga tema naman tungkol sa pagiging “out and proud” ang mapapanood sa mga BL love stories na “The Boy Foretold by the Stars” at ang sequel nitong “Love Beneath the Stars” nina Keann Johnson at Adrian Lindayag, Black Sheep series na “Hello Stranger” nina Tony Labrusca at JC Alcantara, at ang Star Cinema film na “My Lockdown Romance” nina Jameson Blake at Joao Constancia.


Tampok din sa special selection ang mga kwento tungkol sa pagpapakatotoo sa sarili at sa pamilya sa mga palabas tulad ng “The Panti Sisters,” “Die Beautiful,” “The Third Party,” at “Baka Bukas.” Kung kilig naman ang hanap, nariyan ang Thai BL series na “2gether the Series,” “Still 2gether,” “A Tale of a Thousand Stars,” “Bad Buddy,” at iba pa.

Available rin sa iWantTFC ang mga classic na pelikula tungkol sa mga karakter na nagmahal ng parehong kasarian kagaya ng “T-Bird at Ako” nina Nora Aunor at Vilma Santos, “Si Chedeng at si Apple” nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa, at “In My Life” nina Vilma, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano.

Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte

Liza Soberano may bagong dyowa na, foreigner raw sabi ni Cristy Fermin

Read more...