Janella, Kaladkaren, Michelle, ilan pang artista nagbunyi ngayong ‘Pride Month’

Janella, Kaladkaren, Michelle, ilan pang artista nagbunyi ngayong ‘Pride Month’

Janella Salvador, Kaladkaren, Michelle Dee

BUWAN nanaman ng Hunyo mga ka-bandera!

Ang ibig sabihin niyan, muli nating bibigyang-pugay ang mga kapatid nating miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community.

At nanguna na nga riyan ang ilang celebrities at personalities na nagpahayag ng pakikiisa para sa taunang selebrasyon tuwing buwan na ito.

Janella Salvador

Isang makabuluhang mensahe ang ibinandera ng Kapamilya actress na si Janella Salvador sa social media.

Ayon sa kanya, ang pag-ibig ay may iba’t-ibang anyo.

“As we step into the month of June, remember that love comes in different forms and it always — ALWAYS — deserves to be celebrated with pride [queer flag emoji],” wika ni Janella sa kanyang Twitter post.

Kaladkaren

Eksklusibong humingi ng mensahe ang BANDERA sa TV host at internet star na si Kaladkaren at masaya siyang bumati.

“Happy Pride sa lahat ng mga bumubuo ng LGBTQIA+ community! Mabuhay tayo and always stay beautiful,” sey ni Kaladkaren.

Janine Gutierrez

Ang aktres naman na si Janine Gutierrez ni-retweet ang ilang kuha mula sa kanyang GL series na may titulong “Sleep With Me.”

Caption pa sa nasabing post, “Happy Pride Month!”

Celeste Cortesi

Paalala naman ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ngayong buwan na ang pagmamahal ay walang limitasyon.

“This Pride Month, let’s remember that love is the most beautiful thing we can share,” wika niya sa kanyang tweet.

“Love has no labels, no boundaries, and no limitations. Happy Pride Month! [rainbow emoji] Mahal ko kayo! [heart emoji],” dagdag pa niya.

Michelle Dee

Mukhang may pasabog at gimik naman ngayong Pride Month ang reigning Miss Universe Philippines na si Michelle Dee.

Ibinunyag niya sa kanyang Twitter account na may pinaplano siyang ganap at sinabi pa niyang excited na siya para sa kanyang sorpresa.

“Finalizing some pride month events!! Can’t wait to see you all [finger heart, rainbow emojis],” lahad niya sa post.

Aya Fernandez

May post din ang aktres at internet personality na si Aya Fernandez.

Ayon sa kanya, hindi dapat maging hadlang ang sekswalidad ng isang tao upang itago ang kanyang kahalagahan at importansya.

Sey niya sa Twitter, “May gender identity or expression never hinder society from seeing anyone’s true potential, skills, and worth. Here’s to a more inclusive world [happy face emoji].”

Related Chika:

#PrideMonth: Herlene Budol, Kylie Padilla ibinandera ang suporta at pagsaludo sa LGBTQIA+

Read more...