Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?

Kim Chiu nag-iiyak, nagkulong sa CR nang tuksuhin ng mga kaklase sa school, anyare?

Aileen Choi-Go at Kim Chiu

KNOWS n’yo ba na dalawang linggong hindi pumasok sa school ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu matapos ang una niyang monthly period noong nasa Grade 6 siya?

Naibahagi ng dalaga ang tungkol sa first experience niya sa pagkakaroon ng buwang dalaw nang makachikahan ng mga members ng entertainment media last Wednesday, May 31.

Ayon kay Kim, hinding-hindi malilimutan ng isang babae ang unang pagkakataon na nagkaroon siya tulad ng nangyari sa kanya noong nag-aaral pa siya.

“Parang Grade 6 ako nu’n. Twelve years old. Naka-school uniform ako nu’n.


“Pinagtatawanan ako ng mga classmate ko sa likod. Tapos tawa sila nang tawa sabi ko bakit ano ang nangyayari? Tapos nalaman ko na nga,” ang pagbabahagi ng aktres at “It’s Showtime” host sa presscon ng latest endorsement niya, ang Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners.

“Iyak ako ng iyak sa comfort room. Hindi na ako lumalabas. Hindi talaga ako pumasok ng mga dalawang linggo. Hindi ko talaga alam paano i-handle,” chika ni Kim.

Baka Bet Mo: Paalala ni Maricar Reyes sa mga estudyante: ‘Sa mga bumagsak at wasak d’yan, it’s not the end of the world!’

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi nagdalawang-isip ang girlfriend ni Xian Lim na tanggapin ang offer ni Aileen Choi Go, Vice President ng Megasoft Hygienic Products na siyang gumagawa ng Sisters.

Pagpapatuloy ni Kim, “Maraming matututunan sa advocacy nina Ms. Aileen, na yun na nga some girls are having problems with their first monthly period. So na-realize ko na later na that’s part of being a woman.”


Sa tanong kung sino ang nagturo at gumabay sa kanyang menstrual cycle, “Self-taught na lang talaga. Sabi ko tama kaya ito? Maganda pala talaga na dapat may mga nagsasabi kung ano ang dapat gawin during menstrual period.”

Aprub na aprub sa kanya ang ginagawa nina Ms. Aileen na pagtuturo sa mga kabataang kababaihan ng tamang pag-handle kapag dinatnan na, lalo na kapag inabutan sa schools.

“Sana nga dapat kasama na rin siya sa mga health lessons natin sa school kasi very important and practical ang mga ganyang bagay,” sabi pa ni Kim.

Ayon naman kay Ms. Aileen, perfect si Kim bilang brand ambassador ng kanilang mga produkto dahil hanggang ngayon ay nananatiling wholesome ang image ng dalaga at marami rin talaga itong natutulungan at nai-inspire.

Last April, nag-celebrate na si Kim ng kanyang 17th year sa entertainment industry at very soon ay mapapanood na  rin siya sa Kapamilya series na “Linlang” sina Paulo Avelino, JM de Guzman at Maricel Soriano.

Bayaran sa talent fee ng celebrity tuwing eleksiyon aabot sa P100-M; may mga artistang naniningil ng P1-M ‘per akyat’

Pokwang napamura sa planong pagbabalik ng face-to-face classes; Aiko, Ogie kumontra rin

Read more...