Ethel, Bianca, Karen na-bad trip din sa 'monthly period' ni Bertiz | Bandera

Ethel, Bianca, Karen na-bad trip din sa ‘monthly period’ ni Bertiz

Ervin Santiago - October 04, 2018 - 12:05 AM


KULANG na lang ay ipako sa krus at ibitin ng patiwarik ng madlang pipol ang kontrobersyal na si ACTS OFW Party-List Rep. John Bertiz III.

Ito’y kaugnay pa rin ng hindi niya pagsunod sa security protocol sa NAIA Terminal 2 kung saan tumanggi nga siyang maghubad ng sapatos bago dumaan sa airport scanner. Bukod dito, ikinagalit din ng publiko ang ginawa niyang pambu-bully sa isang airport personnel na nanita sa kanya.

Dahil sa matinding pamba-bash na tinanggap ni Bertiz sa taumbayan, napilitan siyang mag-sorry on national TV kung saan sinabi niya na para lang siyang nireregla nu’ng araw na yun kaya nawalan siya ng kontrol sa sarili.

“For the past three years that I’ve been a member of Congress, once a year na dapuan tayo ng monthly period. Hindi ko na rin maiaalis na tao lang po na marupok, umiinit ang ulo, nai-stress din sa trabaho,” ani Bertiz.

Dito mas lalo pa siyang kinainisan ng madlang pipol lalo na ng mga kababaihan, hindi raw makatarungan na ihalintulad ang mga pinaggagawa niyang sablay sa monthly period ng babae. Una nang umaray dito ang Gabriela, anito hindi tamang sabihing nagiging bayolente ang babaeng may monthly period.

Ilang celebrities din ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kongresista. Sa kanyang Twitter, nag-post ang Tv host na si Bianca Gonzalez ng, “Bilang babae, pag ako may period, kahit sobrang sakit ng cramps, walang choice kundi tiisin at minsan uminom ng painkiller, kasi kailangan pa rin magtrabaho. Ikaw, anong kwento mo pag may monthly period?”

Chika naman ng broadcast journalist na si Karen Davila, “Sad apology. Ininsulto pa kaming mga kababaihan. Let’s not liken the ‘monthly period’ to feelings of entitlement by some people in power.”

Ito naman ang hirit ng komedyanang si Ethel Booba, “Monthly period, dapat monthly, hindi once a year. Yearly period yang sayo. For the past 3 days ng mainit ang ulo ko wag ka ng dumagdag. Charot!”

Samantala, sa isang programa sa telebisyon, nag-sorry uli si Bertiz sa publiko, “Taos-puso po akong humihingi ng kapatawaran sa lahat po ng nakikinig, nanonood sa social media, bata, matanda, babae, and whoever po – patawarin niyo po ako.

“Hindi po talaga dapat inaasal ng isang government official, napakalaking aral po sa akin. Lalong lalo na kung hindi ka naman po komedyante ay huwag ka na lang po mag-joke ulit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending