Blackpink Jisoo positibo sa COVID-19, hindi makakasama sa Japan concert

Blackpink Jisoo positibo sa COVID-19, hindi makakasama sa Japan concert

PHOTO: Instagram/@sooyaaa_

WALANG makakatakas talaga sa nakakatakot na virus na COVID-19, dahil pati ang isa sa Blackpink member na si Jisoo ay tinamaan ng sakit.

Ayon sa report Korean media website na Soompi, noong June 1 pa nagpositibo sa virus ang Korean singer.

Ipinakita pa nga ng nasabing media outlet ang pahayag mula sa music label na YG Entertainment at doon mababasa kung ano ang nangyari sa K-Pop star.

“We would like to inform you that BLACKPINK member Jisoo was confirmed positive for COVID-19 on June 1,” anunsyo ng YG Entertainment.

Kwento pa ng kompanya, “Jisoo took a self-test on May 30 after showing mild cold symptoms. At first, she initially tested negative but ultimately tested positive on June 1.”

Baka Bet Mo: Daniel Padilla bibida sa tatlong pelikula, makakasama sina John Arcilla, Zanjoe Marudo, at Kathryn Bernardo

Dahil daw diyan ay hindi makakasama si Jisoo sa magaganap na concert sa Japan ngayong buwan.

Ito raw ay para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga kasama at manonood ng concert.

“Jisoo was determined to perform, wanting to keep her promise with BLACKPINK fans who have been waiting for a long time, but decided not to participate in the concert for the artist’s health and the safety of all,” sey sa pahayag.

Patuloy pa, “Therefore, only three members, Jennie, Lisa, and Rosé, will participate in the [BORN PINK] World Tour concerts held in Osaka, Japan on June 3 and 4.”

“We understand the anticipation and how much fans have been waiting for the performance and will do our best to present the concert as planned. We kindly ask for your strong support,” anila.

Tiniyak din ng music label na gagawin nila ang lahat ng makakaya upang gumaling kaagad mula sa sakit si Jisoo.

“We will put our utmost effort for Jisoo’s speedy recovery as well as the health and safety of our artists,” lahad pa.

Kung maaalala, naging parte ng kanilang concert tour ang Pilipinas at nauna na silang nag-perform sa ating bansa noong Marso na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Related Chika:

Francine muling sasabak sa matinding dramahan, pasabog ang bagong role: Marami siyang personality pero hindi nag-iiba ng anyo, ha!

Blackpink Jisoo may solo debut sa March 31, abangers na ang fans: ‘The moment we’ve all been waiting for!’

Read more...