KATULAD noong nagdaang mga edisyon, may 40 kandidata rin sa katatapos na Binibining Pilipinas pageant. Ngunit sa unang putol na Top 10 lang na may dagdag na isa mula sa boto ng publiko, ito na ang naging pinakamahigpit na ligwakan. Kaya naman may mga hindi nakapasok sa mga sinasabi ng marami na malalakas na kalahok.
Nakausap ng Inquirer ang mga reyna ng 2023 nang makapanayam sila ng mga kawani ng midya sa Owner’s Circle sa Araneta City sa Quezon City noong Mayo 30, dalawang araw lang mula nang makoronahan sila. Doon, ibinahagi nila kung sino-sino ang mga inasahan nilang makasama sa semifinals.
Hindi naman sa binabalewala ang iba pang mga tinawag sa semifinalists sa grand coronation night sa Smart Araneta Coliseum noong Mayo 28, tinukoy ni Bb. Pilipinas International Angelica Lopez, at runners-up na sina Katrina Anne Johnson at Atasha Reign Parani kung sino ang nais nila sanang nakasabay sa Top 11.
Isang tao ang binanggit ng dalawang runners-up, ang pageant veteran na si Gianna Llanes. Ibinahagi nilang nakabuo sila ng barkada, kasama ang isa pang semifinalist, si Mary Chiles Balana, na sanggang-dikit sa kabuuan ng apat-na-buwang kumpetisyon.
“We were always the ones to step out of our waiting rooms, our dressing rooms, to do [question-and-answer]. I remember I have a whole ice cream tub of questions. So we would always do it together,” ani Parani, sinabi pang lagi silang nagdadasal na apat bago sumampa sa mga produksyon.
Sinabi ni Johnson na si Llanes ang una niyang nakilala sa legal interview makaraan silang mapili bilang mga opisyal ng kandidata. “From that, we were just able to talk and really bond, get to know each other,” aniya.
Baka Bet Mo: Reigning Miss International Jasmin Selberg nasa bansa para sa Binibining Pilipinas 2023
Ibinahagi pa ni Parani na napasabi siya ng, “oh my God, Ate Gianna,” nang hindi nakapasok si Llanes sa semifinals. “I just want to put it out there that she’s such a great speaker. Out of us four, she was the one who was always so guiding, always so prominent with what she believes in, and I really love her, and I just wish she was really a part, and I would be beside her,” sinabi ng second runner-up.
Sinabi pa ni Johnson, “there are so many girls, truthfully, in our batch who are so deserving,” at tinukoy sina Rheema Adakkoden, Mirjan Hipolito, at Julia Mae Mendoza. “They all have amazing stories, they all have so much love to give,” dinagdag ng first runner-up.
Si Hipolito rin ang isa pang karapat-dapat na semifinalist para kay Lopez, “not just because she’s my bestie, but also because I’ve seen how insightful she is as a woman. You know we both come from an economically-challenged background, and we really need to strive, not just only to survive but thrive in the challenges of life.”
Kapwa nakapasok sa Top 16 ng kani-kanilang batch sa Miss Universe Philippines sina Lopez at Hipolito. “You know, I really like her (Hipolito). That is why I feel like my victory should also be her victory,” pagpapatuloy pa ng Binibining Pilipinas International titleholder.
Sinabi ni Lopez na proud siya sa 2023 Bb. Pilipinas batch sapagkat lahat umano ng mga kandidata matatalino at magaganda. “And I’ve seen how the sisterhood is really strong during the pageant activities of Bb. Pilipinas,” pagpapatuloy pa niya. Ito rin ang saloobin ni Johnson, at sinabing, “I really wish that most of the girls were able to have more time to share their stories because they truly are inspiring.”
Sinang-ayunan naman sila ni Bb. Pilipinas Globe Anna Valencia Lakrini, sinabing, “I think all the girls are deserving.” Hindi na rin umano sumagi sa isip niya kung sino-sino ang mga hindi nakapasok sapagkat hindi naman daw niya tinututukan ang mga katunggali. Siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe pageant ngayong taon, habang lalaban naman si Lopez sa ika-62 Miss International pageant sa isang taon pa.
Related Chika:
Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko