Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko | Bandera

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Armin P. Adina |May 17,2023
facebook
share this

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Armin P. Adina - May 17, 2023 - 12:32 PM

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Bb. 24 Anna Valencia Lakirini (left) and Bb. 22 Anje Mae Manipol/ARMIN P. ADINA

 

MULING nasilayan ng publiko ang mga kandidata ng 2023 Binibining Pilipinas pageant nang magpakita sila sa pagbubukas ng National Costume Photo Exhibit sa Gateway Mall sa Araneta City sa Quezon City noong Mayo 16.

Sa pamamagitan ng pagbabandera ng mga magagarbong kasuotang sumasagisag sa mayamang kultura at kasaysayan ng kani-kanilang mga lugar, isinabuhay ng mga kandidata ang linyang “she’s the perfect symbol of the people rich in heritage and love” mula sa theme song ng patimpalak na “Win Your Heart.”

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Bb. 5 Gianna Llanes (left) and Bb. 8 Mirjan Hipolito/ARMIN P. ADINA

Dumalo rin sa pagbubukas ng exhibit ang official photographer ng patimpalak na si Raymond Saldaña, na kumuha ng mga larawan. Samantala, nilagdaan ng mga kandidata ang mga higanteng poster ng kanilang national costume, na makikita sa exhibit na tatagal hanggang Mayo 31.

Ngunit hindi lamang sa mga larawan makikita ang mga costume. Rarampa ang mga kandidata sa National Costume and Fashion Show sa New Frontier Theater sa Araneta City sa May 18. Ibabandera ng lahat ng 40 kandidata ang kani-kanilang costume na nilikha ng mga Pilipinong designer. Maaari nang mabili ang mga ticket sa Ticketnet.

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Bb. 29 Trisha Martinez (left) and Bb. 28 Katrina Mae Sese/ARMIN P. ADINA

Isang siksik na linggo ang sumalubong sa mga kandidata makaraan ang ilang linggong pahinga. Maliban sa photo exhibit at national costume and fashion show, haharapin din ng mga kalahok ang mga kawani ng midya sa press presentation sa New Frontier Theater sa Mayo 18.

Sa Mayo 21 naman nakatakda ang inaabangang Parade of Beauties, kung saan iikutin ng mga kandidata ang Araneta City sakay ng convertibles. Dito muling makikita ng mga tagahanga ang lahat ng mga kandidata sa publiko.

Mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023 muling nasilayan ng publiko

Bb. 33 Katrina Anne Johnson (left) and Bb. 35 Sofia Lopez Galve/ARMIN P. ADINA

Sa mga nagnanais mapanood ang huling bakbakan ng mga binibini, maaari nang bumili ng tickets para sa 2023 Bb. Pilipinas Grand Coronation Night na itatanghal sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Mayo 28.

Muling magho-host si 2018 Miss Universe Catriona Gray, at magtatanghal si Vice Ganda. Dadalo rin si reigning Miss International Jasmin Selberg mula Germany.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending