“IT was beyond our control. Kung may control lang tayo o kung may say tayo sa mangyayari siyempre hindi natin sila papakawalan ‘yun ‘yung term nila, pipigilan natin sila. Susubukin nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin,” ito ang pahayag ni Senior Vice President for GMA 7, Atty. Annette Gozon-Valdes.
Nakapanayam ni Nelson Canlas ng “24 Oras” ang network executive at hiningan ng reaksyon sa biglaang pag-alis ng “Eat Bulaga” main hosts na sina dating senador Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa programa nitong Mayo 31, Miyerkoles.
May reaksyon kasi ang netizen na tila kinampihan daw umano ng GMA 7 network ang kampo nina Ginoong Romeo Jalosjos, Jr CEO ng TAPEInc dahil hindi nga pinigilan ang TVJ.
Sa pagpapatuloy ni Atty. Annette, “sa totoo (lang) hands off ang GMA diyan kasi it was an internal issue between TVJ and TAPE, Inc, so, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalalaman lang namin ‘yung issues kapag lumalabas sa social media, sa newspapers or sa interviews, so, it wasn;t right for us na makialam.”
Kampi raw ang GMA sa mga Jalosjos?
“From the start wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko it was their internal issue, it’s a corporate issue,” klaro ng SVP ng Kapuso network.
Nabanggit sa official statement na bound ang GMA 7 sa kontrata with TAPE, Inc at ang paliwanag dito ni Atty. Annette.
“Yes para siguro mas maintindihan ng mga tao. Ang contract kasi ng GMA is with TAPE, wala kaming contract with TVJ as talents or kasama ng TAPE.
“Ang contract na ito ay isang blocktime agreement na ang ibig sabihin no’n ay parang umuupa sila ng timeslot sa GMA.
“Binabayaran nila tayo ng upa at para sila ‘yung laman ng noontime slot ng Monday to Saturday. Kung ano ‘yung laman (kontrata) no’n, wala tayong kinalaman do’n.
“In fact nasa contract nila na they can change hosts, they can reformat, and this contract was negotiated by Mr. (Antonio) Tuviera pa ang nag-negotiate ng time na ‘yun.
Baka Bet Mo: Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
“We have to honor the contract as long as there is no breach of its provision kasi iba ang contract, eh, it has legal consequences,”detalyadong paliwanag ni Atty. Annette.
Nabanggit pa na walang pagbabago sa relasyon ng GMA at TAPE, Inc at sa mga opisyal nito same thing with TVJ at ibang hosts ng Eat Bulaga na nagpaalam na rin.
Nanatiling bukas ang pintuan ng Kapuso network para sa mga umalis ng Eat Bulaga at sa katunayan ay may existing show si Vic na Open 24/7, si Jose Manalo ay isa sa mga hurado ng programang Battle of the Judges.
Dagdag pa ng TV executive, “I fervently believed that it won’t change because iba naman ‘yung GMA, iba ‘yung TAPE, Inc. Labas ang GMA sa issues nila with TAPE.
“Hindi naman sila umalis ng GMA sa totoo (lang), umalis sila do’n sa show (EB) na pino-prodyus ng TAPE.
Nabanggit na willing mag supply ng talents ang Sparkle sa programa.
“Kung wala namang conflict at pumapayag ‘yung talent why not, di ba? Kasi it’s really a separate business and kung mabibigyan naman ng trabaho ‘yung talents namin why not?
“And we’ve been doing this even before nagka-falling out and years back, tulad ni Alden (Richards) galing siya ng Sparkle, katulad nina Ruru (Madrid) at Bianca (Umali). Talagang we provide talents,”pahayag ni Atty. Annette.
Speaking of Alden nagbitaw na siya ng salita na hindi niya tatanggapin ang offer ng TAPE kung sakaling alukin siyang mag-host ng Eat Bulaga bilang respeto sa TVJ.
Contract star siya ng GMA Sparkle paano kung sabihan siya ng kanyang management?
Abangan ang susunod na mangyayari.
Related Chika:
TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’
GMA nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE: We pray for a smooth and swift resolution of their issues