John Regala pumanaw na sa edad 55

John Regala pumanaw na sa edad 58, dahil sa cardiac arrest

NAGLULUKSA ngayon ang showbiz industry dahil sa pagpanaw ng beteranong aktor na si John Regala sa edad na 55.

Kinumpirma ito mismo ng showbiz writer at kolumnistang si Aster Amoyo sa pamamagitan ng Facebook post.

Ayon sa kanya, sumakabilang-buhay si John kaninang umaga, June 3, dahil sa iniindang mga karamdaman.

“Veteran actor John Regala (John Paul Guido Boucher Scherrer) – 58 died this morning at 6:00 am due to multiple ailments,” caption ni Aster kalakip ang litrato ng aktor.

Lahad pa niya, “Let us all pray for the enternal repose of his soul. (May 28, 1965 – June 3, 2023) [folded hand emoji].”

Baka Bet Mo: Karen Davila aminadong hindi naging kaibigan noon si Korina: We didn’t have the opportunity…

Ang malungkot na balita ay kinumpirma rin mismo ng asawa ng aktor na si Victoria Scherrer sa ABS-CBN News.

Kwento niya, namatay ang kanyang mister sa ospital at ito ay dahil sa cardiac arrest na sanhi ng kanyang liver at kidney complications.

“He died at 6:28 a.m. of cardiac arrest due to liver and kidney complications at the New Era General Hospital,” sey ni Victoria.

Nagpasalamat din ang misis ni John sa lahat ng mga tumulong sa pagpapagamot ng mister.

“Nagpapasalamat din ako sa mga kapwa niya artista, gayundin ang mga studio, lahat po, na tumulong sa kanya,” saad niya.

Patuloy niya, “Gayundin sa tiyuhin niyang si senator Robin Padilla at sa kanyang pamilya na hindi siya pinabayaan. Napakabuti po niya!”

Matatandaang nag-umpisa sa showbiz industry si John bilang parte ng variety show na “That’s Entertainment” noong 1980.

Bukod diyan ay sumikat din siya bilang action star at kontrabida sa ilang pelikula tulad ng “Boy Kristiano,” “Isa-Isahin ko Kayo,” “Primitivo Ebok Ala: Kalaban Mortal ni Baby Ama,” at “The Vizconde Massacre: God Help Us.”

Bumida rin siya sa pelikulang  “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” na kung saan ay itinanghal siyang “Best Supporting Actor” sa  Metro Manila Filmfest noong 2011.

Related Chika:

Actress-director Arlene Tolibas pumanaw sa edad 55 dahil sa cardiac arrest

Read more...