RK Bagatsing trending matapos matsugi sa ‘Batang Quiapo’: ‘Sinampal mo ba naman si Ma’am Charo, eh!’

RK Bagatsing trending matapos matsugi sa 'Batang Quiapo': 'Sinampal mo ba naman si Ma'am Charo, eh!'

PINAG-USAPAN ng online world ang pagkakaligwak ng karakter ni RK Bagatsing bilang si Greg sa “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Lunes ng gabi, May 30.

Talaga namang kasing maraming humanga sa galing ng aktor sa pagganap sa kanyang karakter at nakaramdam rin sila ng lungkot dahil hindi na nila masusubaybayan ang aktor sa teleserye.

“Maraming salamat, Mr RK Bagatsing sa napakahusay at di matatawarang pagganap sa FPJ’s Batang Quiapo. PAALAM, GREG,” saad ng Dreamscape Entertainment sa kanilang Facebook page.

At ang huling episode nga ng aktor sa “Batang Quiapo” ay nag-trending kung saan nakasagupa niya si Tanggol at ang kanyang pananakit sa pamilya nito lalo na sa lola ni Tanggol na ginagampanan ng dating ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio.

Sa kabila ng panghihinayang sa namatay nitong karakter ay talagang hindi pa rin nagpatinag ang mga netizens at dinogshow ang pagkakaligwak ng karakter ni RK.

x

Baka Bet Mo: Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’

Marami sa mga netizens from Twitter world ang nagsabi at nag-joke na baka raw siya nawala dahil sinaktan niya si Ma’am Charo.

“Sinampal ba naman si Ma’am Charo ehh nag last day tuloy ahahaha. What a great character portrayal! Will always be a fan of RK!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Bat mo naman kasi sinampal si Ma’am Charo Greg? Tapos talaga character mo dyan hahahaha.”

“Sinampal niya si Lola Tindeng. Nagalit si Tanggol kaya ayun tinuluyan niya. A good job from RK Bagatsing as Greg,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isang netizen, “Bakit mo sinaktan si Maam Charo? Bakit? Bakit?”

Samantala, nag-post naman si RK sa kanyang Instagram account bilang pasasalamnat sa lahat ng tumangkilik sa kanyang karakter.

“Greg Montenegro, signing off. Maraming salamat po direk coco, direk malu, direk darnel, cast and crew, sa buong solid team ng #FPJsBatangQuiapo.

“Napaka swerteng masaksihan at maramdaman yung dugo’t pawis na binibigay niyo bawat oras, para makapag bigay ng kasiyahan sa lahat ng manonood at taga suporta gabi gabi,” saad ni RK.

Hirit pa niya, “PS: Maam Charo, sorry po. Labyu.”

Well, mukhang hindi talaga magtatagal ang role ni RK sa “Batang Quiapo” dahil magiging busy ito sa project na pagsasamahan at pagtatambalan nila ng kanyang girlfriend na si Jane Oineza.

Related Chika:
RK Bagatsing, Jane Oineza wala pang balak magpakasal, marami pang gustong gawin sa kanilang showbiz career

Jane Oineza hindi kering i-share si RK Bagatsing sa ibang babae: ‘Madamot ako!’

Read more...