Michelle Madrigal hiwalay na sa dyowang afam, may hugot sa isyu ng ‘healing’?

Michelle Madrigal hiwalay na sa dyowang afam, may hugot sa isyu ng 'healing'?
USAP-USAPAN ngayon sa social media kung hiwalay na nga ba ang dating aktres na si Michelle Madrigal sa kanyang dyowang afam na si Kyle.

Marami kasi sa mga netizens ang nakapansin na tila burado na sa kanyang Instagram account ang mga larawan at videos nila together.

Bukod pa rito, makahulugan rin ang mga Instagram stories ni Michelle na pumapatungkol sa “healing”.

Isang selfie ang kanyang ibinahagi kalakip ang kanyang caption tungkol sa pinagdaraanan.

“Embracing all the feels. Y’all see me as a strong woman (which lam) but I’ve learned to fully honor my emotions when I’m not okay,” lahad i Michelle.

Dagdag pa niya, “For a long time l’ve operated in a “I’m all good” mentality and it has finally caught up. Being strong and allowing yourself to not be okay is a step towards healing. You heal as you grieve.”

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal inaming nakilala ang bagong dyowa online, binansagang ‘patron saint of dating apps’

Mayroon ring ibinahaging photo quote ang dating aktres at ang sabi ay “It’s ok to be happy one day and sad the next. It’s ok to feel confident one day and be anxious the next. You don’t have to feel the same everyday. You just have to learn to accept and adapt to how you feel.”

Wala namang direktang pag-amin si Michelle kung single na ba siya ulit.

Matatandaang December 2022 nang mag-upload ang celebrity mom ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Kyle.

At dahil nga single mom si Michelle at kakahiwalay lang sa asawang si Troy Woolfolk ay wala itong time para lumabas at makipag-date kaya naman nakahiligan nito ang dating app kung saan sila nagkausap.

“Nandon yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko. You could really tell kung ano ‘yung character ng lalaki the way they are sa kids nila,” chika niya.

Kwento pa ni Michelle noon, wala pang label ang relasyon nila ni Kyle ngunit malinaw na gusto nila ang isa’t-isa.

“I don’t want to put any label dahil hindi naman importante ‘yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page,” lahad nito.

Related Chika:
Michelle Madrigal ilang beses nang niloko ng lalaki, umaming nag-cheat sa ex-dyowa: ‘Gumanti lang ako!’

Michelle Madrigal may tips kung paano mag-move on matapos makipag-divorce

Read more...