Bwelta ni Priscilla sa bastos na netizen na nagsabing malapit na siyang palitan ni John: ‘God loves you and I’m praying for you’

Bwelta ni Priscilla sa bastos na netizen na nagsabing malapit na siyang palitan ni John: 'God loves you and I'm praying for you'

Priscilla Meirelles

SA halip na pagsalitaan ng masama at resbakan din ng kanegahan, cool na cool na sinagot ni Priscilla Meirelles ang mga netizen na nambwisit sa kanya sa social media.

Isa ang aktres at dating beauty queen sa mga kilalang celebrities na talagang pumapatol sa bashers at haters lalo na kapag pamilya na niya ang nadadamay.

Ilang bastos at pakialamerang netizens din ang sinupalpal at binuweltahan niya noong kasagsagan ng isyu sa marital problems nila ng asawang si John Estrada.


Nitong nakaraang linggo, muling nag-post si Priscilla ng kanyang mga litrato sa kanyang Instagram account na may caption na, “Perfection is overrrated.”

Maraming pumuri sa ganda at kaseksihan ngayon ng Miss Earth 2003 pero may isa ngang epal na basher na nagkomento tungkol sa pagsasama nila ni John bilang married couple.

Ang may himig pagbabanta ng netizen kay Priscilla, “Mlpt kna plitn Kabahan kna (laughing with tears emoji).”

Sinagot din ng wifey ni John ang hater ng “laughing with tears” emoji. Kasunod nito, kinuyog ng IG followers ng dating beauty queen ang basher at pinagsalitaan din ng maaanghang ng komento.

Baka Bet Mo: Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Pero hindi natinag ang basher at sumagot pa ng, “Wow c Janice Nga Pinalitan Aftr How Many Years Sya pa Kaya (laughing emojis) mlpt na Ma Expired.” Na siguradong ang tinutukoy ay ang ex-wife ni John na si Janice de Belen.

Mukhang hindi na rin nakatiis si Priscilla sa sagutan ng kanyang followers at ng hater kaya naman nag-react na rin siya hinggil dito.

“(S)ending Love and prayers your way po. It saddens me that you think that way and you get out of your way to say such things,” ani Priscilla kasunod ang tatlong Bible verse na may konek sa galit at pagmamahal.


Pagpapatuloy ni Priscilla, “Nevertheless I just want to let you know God loves you and I am praying for you. 1 John 4:16 NIV.

“[16] And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them.

“Proverbs 10:12 NIV…'[12] Hatred stirs up conflict, but love covers over all wrongs.

“1 Peter 4:8 NIV…'[8] Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins,” mensahe pa ng asawa ni John.

Nauna rito, nag-post din si Priscilla ng short video sa Instagram kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang anak na si Anechka, na 11 years old na ngayon.

Kuha ito sa isang Japanese restaurant na may caption na, “Bonding with my 2 partners in crime over good Japonese Food. #weekendvibes #family.”

Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

John sa isyu ng pagsasama nila ni Priscilla bilang mag-asawa: ‘Kung meron man akong sasagutin, sa pamilya ko lang ‘yun at sa mga taong mahal ko’

Read more...