Christian Bables ipatatayo na ang dream house para muling magkasama-sama ang kanyang pamilya, 8 years nang nangungupahan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Christian Bables
SA WAKAS, sisimulan na ang construction ng pinakaaasam na dream house ng award-winning Kapamilya actor na si Christian Bables.
Masayang ibinalita ng “Dirty Linen” star na very soon ay itatayo na ang kanyang “dream project” na talagang pinaplano na niya simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.
Ayon sa binata, makakatuwang niya sa pagpapatayo ng pinapangarap niyang bahay para sa kanyang pamilya ang architectural firm na APL Architects na marami nang nagawang luxury homes at resorts sa loob ng 20 years.
“I will soon be building my dream house for my family, and I am more than elated and excited to make this dream come into fruition with Architect Philip Lu spearheading the Architectural Design of my dream home, in the company of Architect Kinnard, Architect Maricon, and Ms. Herchel of APL Architects,” ang bahagi ng Instagram post ni Christian.
Kuwento pa ni Christian na mapapanood din sa iWantTFC digital series na “Drag You & Me”, matagal na siyang nagre-rent ng bahay sa Quezon City at mula nang mag-artista siya at nalayo na siya sa kanyang pamilya na naninirahan pa rin ngayon sa bahay nila sa Cavite.
“I’ve been renting my place for eight years already since I moved from our house in Cavite to Quezon City, to fulfill the dream of becoming an actor.
“And I’ve been praying for the day when I can finally take the first step in fulfilling this dream project for me and for my family, because for the first time in 8 years, magsasama sama ulit kami ng mom and brothers ko. I guess, now is God’s perfect time,” pagbabahagi pa ni Christian.
Nagbigay din ng mensahe ang aktor sa lahat ng mga taong patuloy na nagtitiwala, nagmamahal at sumusuporta sa kanyang career na aniya’y siyang dahilan kaya hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin siya at nagtatrabaho.
“You’re all God’s precious gift and He knows how much you guys make my heart and mind strong and at peace. Again and again, maraming salamat po,” sabi pa ng binata.
Pangako naman ni Christian, gagawa raw siya ng vlog tungkol sa kanyang dream house at kung anu-ano ang plano niyang design para rito.
In fairness, deserving naman talaga na magkaroon ng sariling bahay si Christian dahil sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa kanyang trabaho. Congrats, Christian! Dasurved mo yan!