Iyan ang ipinagdiinan ng Kapamilya singer-actress nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa finale presscon ng youth-oriented iWantTFC series na “Teen Clash.”
Ayon kay Jayda, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mga magulang na all-out ang support sa kanyang showbiz career. Aniya, never daw siyang diniktahan o pinakialaman nina Jessa at Dingdong sa mga desisyon niya about her work.
“I would say, especially in terms of my career po, I would say na I’m very thankful na napaka-supportive ng mga magulang ko po.
“They give me the freedom to make my own decisions when it comes to my career,” ang pahayag ni Jayda.
Pagpapatuloy pa ng dalaga na talaga namang pangbida at pang-leading lady material, “Assumption po ng maraming tao na baka stage parents po sila but sobrang malayo po sa assumption na ‘yun.
“Nandu’n lang po talaga sila para gabayan ako pero at the end of the day, they tell me that it’s your career and at the end of the day, ikaw naman talaga ‘yung haharap sa tao.
“And you’re doing this, you chose this, what you do for your career, and at the end of the day, they just really wanna support me,” paliwanag ng ka-loveteam ni Aljon Mendoza sa “Teen Clash.”
Dagdag pa ng aktres, “They’re really cool po, really understanding kasi dahil nga po kasama rin po sila sa industriyang to, sobrang mas maintindihin po sila sa mga showbiz things.”
Mapapanood na ang huling dalawang episode ng “Teen Clash” sa iWantTFC na ibinase sa Wattpad novel ni Ilyn Anne Danganan at mula sa Black Sheep Productions. Kasama rin dito si Markus Paterson bilang ka-love triangle ng tambalang Jayda-Aljonm
Ito’y mula sa direksyon ni Gino M. Santos, na siya ring nasa likod ng mga pelikulang “Love Me Tomorrow” at “Ex with Benefits.”
Para sa lahat ng mga tumutok at naadik sa “Teen Clash”, lahat ng episode nito ay available na sa iWantTFC.