EXCITED na si Per Sorensen, ang lead vocalist ng legendary band na “Fra Lippo Lippi,” sa muling pagbisita sa ating bansa sa susunod na buwan.
Ito ay para sa kanyang two-night show na nakatakdang mangyari sa June 16 sa The Theater At Solaire sa Pasay City, at sa June 17 naman sa Santa Rosa Sports Complex sa Laguna.
Inaasahan na makakasama niyang magtatanghal sa parehong show si Steve Hovington ng 80s band na B-Movie.
Kamakailan lamang ay naimbitahan ang BANDERA sa online media conference ni Per at dito niya inilahad kung bakit nga ba niya laging binabalikan ang Pilipinas.
Para daw sa Norwegian singer, maituturi niyang tahanan ang ating bansa dahil sa laging mainit na pagtanggap ng kanyang fans.
Baka Bet Mo: Legendary singer ibinebenta na ang original songs pero may isang kondisyon?
“Well, it’s easy to go somewhere that people love your stuff, that love your music and you’re welcomed,” sey niya.
Dagdag pa niya, “I’m always heartily welcomed in the Philippines and that means it’s like coming home.”
Nabanggit pa niya na looking forward talaga siyang makita ang kanyang Pinoy fans, lalo na’t matagal din daw siyang hindi nakabisita dahil sa pandemya.
Sambit niya, “First and foremost is to meet all of my fans, you know, to sing with them and perform for them.”
“And just have a party on stage, you know, just to have a really good time. That’s what I’m really looking to. Meet all my friends on stage and off stage,” patuloy niya.
Bukod sa namiss niya ang fans, isa rin daw sa mga nagustuhan niya ay ‘yung pagiging “warm” at “vocal” ng mga Pilipino.
“They’re really on it. They really give so much to me and to the band. Singing along and being very vocal in every way. So yeah, I love it. They’re very warm,” ani ng iconic vocalist.
Ani pa ni Per, “And the audience is, like, they sing their hearts out. I love that! It’s very easy to be on stage when you have a Filipino audience in front of you. That’s for sure.”
Pagbubunyag pa ng singer, plano niyang maglabas ng Christmas song ngayong taon at hopefully daw ay magustuhan ng kanyang Pinoy fans.
“There is a song that I’ve been working on that I think will be a very good Christmas song,” chika niya.
Saad pa niya, “I’ve never done that before. So I’m looking forward to that. The chords and the melodies are done and need some lyrics. So I think that would be nice to present to the Filipino audience.”
Samantala, sa pagtatapos ng kwentuhan namin with Per ay excited niyang inimbitahan ang mga Pinoy na magpunta sa kanyang shows sa susunod na buwan.
“Please, come to the show! I welcome you all. It would be so nice to see you there. I’m going to sing my heart out to you,” aniya.
Related Chika: