Scarlett Kramer nagligtas, nag-ampon ng aspin: Dogs don’t deserve to be in the streets!
ISA nanamang proud parents ang celebrity couple na sina Chesca Garcia at Doug Kramer.
Ito ay dahil sa ipinakitang pagmamalasakit at pagmamahal sa hayop ng kanilang anak na si Scarlett na nagligtas at nag-ampon pa ng isang ligaw na aspin.
Sa kauna-unahang episode ng “Family Matters w/ Doug and Chesca” na ibinandera sa Facebook ng Team Kramer, ibinahagi ng mag-asawa ang pagiging “pet person” ng kanilang mga anak, lalo na ni Scarlett.
Sa ngayon, may apat nang alaga si Scarlett at kabilang na riyan ang inampong aspin.
Nakwento pa nga ng pangalawang anak ng mag-asawa na nakita niya ang aspin sa isinagawang outreach program kamakailan lang.
Baka Bet Mo: Socmed sweetheart Scarlett Kramer silver medalist sa taekwondo; Chesca, Doug super proud parents
Naawa raw siya rito kaya naman nakiusap siya sa kanyang mga magulang na iuwi ito sa kanilang bahay upang maalagaan.
Ayon pa kay Scarlett, Kung pwede nga lang daw ay aampunin na niya ang lahat ng makikita niyang stray animals sa kalsada.
“I get awa every time I see dogs in the streets because they should be like, not like that,” sey ni Scarlett.
Giit pa niya, “They don’t deserve to be in the streets and trying to look for food. They should be with a loving family.”
Natuwa naman si Doug sa sinabi ng kanyang anak at sinabing, “As you can see, Scarlett’s heart has a burden for the dogs in the streets.”
Patuloy pa niya, “The name we rescued is Grace or Gracie, because it’s an undeserved gift.”
“So parang, I think there’s a lot of dogs that need rescue and not all of them are rescued,” dagdag niya.
Ibinunyag naman ni Chesca na bukod kay Gracie ay may nauna na silang inampon na pusa na pinangalanang Michu.
Sambit pa ni Chesca, “I also appreciate like with Scarlett and Gavin is that they have compassion for the pets. All animals need our love and our care.”
Maraming netizens naman ang naantig sa ginawa ni Scarlett at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Rescuing and adopting Gracie says A TON about your family! You have raised your children way beyond every parent’s expectations! Thank you so much for giving Gracie a loving home and a family.”
“Good job kids [clapping hands emoji] Thank you for giving Gracie a furever home [purple heart emoji] That’s what humans need, compassion & empathy for animals.”
“Thank you so much team Kramer especially for the kindness and compassion of your kids for the voiceless like Gracie. May all be inspired and open their hearts to give stray animals a forever home and a chance to be happy [folded hands emoji].”
Related Chika:
Sharon nag-ampon uli ng Aspin mula sa Olongapo: Mama’s here now…you will become a prince!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.