Bandera "One-on-One": Pokwang | Bandera

Bandera “One-on-One”: Pokwang

- July 12, 2010 - 02:57 PM

Ni Julie B. Gaspar

UMAGAW ng atensyon si Pokwang sa spooky party ng Star Cinema  para sa latest movie offering nila na “Cinco” sa Guilly’s Island last Thursday. Nag-effort kasi talaga si Pokwang na mag-outfit that night at nagwagi naman siya nu’ng gabing ‘yun. Pinagkaguluhan siya ng TV crews at photographers with her black catwoman outfit.
Bida si Pokwang sa “Puso” episode  ng quintology horror-movie na “Cinco”  kasama sina Zanjoe Marudo at Bangs Garcia. Ang Box-office director naman na si Cathy Garcia Molina ang nag-handle sa kanila.
Samantala, pagkatapos pagkaguluhan si Pokwang, nagkaroon ng chance ang BANDERA para sa one-on-one interview sa komedyana.

BANDERA: Gaano kaimportante sa ‘yo ang “Cinco”?
POKWANG: Sobrang  importanteng-importante sa akin ang pelikulang ito dahil nakita ko ‘yung pagod mula sa direktor hanggang sa mga artista sa bawat episode.  Plus, Star Cinema pa ito. Alam naman natin ang Star Cinema kapag nagtrabaho for their movie plus the quality,  ‘di ba? And, ang tagal kong hindi nakagawa ng pelikula.

B: May pressure rin ba na ang direktor n’yo sa pelikula ay isang box-office director?
P: Oo naman, may pressure. Pero sa set habang ginagawa namin, ang gaan katrabaho ni Direk Cathy. Mas tensyonada kami sa pag-portray namin sa bawat eksena na kinukunan namin.

B: Incidentally, co-star mo si Zanjoe sa movie na ex-boyfriend ng  bestfriend mong si Mariel Rodriguez na kasali rin sa isang episode. Isa ba siya sa mga naging shoulder to cry on ni Mariel nu’ng nag-break sila ni Zanjoe?
P: Oo, oo, ganu’n talaga. Hindi mo maiiwasan, kaibigan. So, kahit  naman si Zanjoe malapit sa akin. Kung kailangan niya ang balikat ko bilang ate, ibibigay ko  rin sa kanya.

B: Kanino mo mas naramdaman na may pain ang break-up, kay Mariel o kay Zanjoe?
P: Sa sarili ko. Ay! Ha-hahaha!  Ako kasi ‘yung ano, e, pareho  ko silang mga kaibigan.  Basta ang masasabi ko lang, happy na silang dalawa. So,  happy na rin  ako for them.

B: Pero bakit  mukhang hindi  happy ang dalawa nu’ng magkasama sa general presscon ng “Cinco” kamakailan?
P: Hindi mo maiiwasan syempre  minahal nila ang isa’t isa for three years. Tapos ngayon parang fresh pa rin ang hiwalayan nila kaya hindi talaga maiiwasan na hindi rin ganu’n kabilis na maging okey sa kanila ang lahat.

B: Hindi ka ba nahirapan sa mga eksena n’yo ni Zanjoe knowing na sinaktan niya si Mariel?
P: Ay, hindi.  Saka alam naman nila  na trabaho lang ito. Actually, tuwang-tuwa nga si Mariel na magkakasama-sama kami sa isang project.

B: HIndi ka ba nailang na ang kahalikan mo ay ang ex-BF ng best friend mo?
P: Ay, hindi. Pagkakataon ko na ‘yun na mahalikan si Zanjoe, ‘no!  Ha-hahaha!

B: Feeling mo ba ka-level mo na sa ganda si Mariel dahil nahalikan mo na si Zanjoe?
P: Kaya nga magkaibigan kami. E, ‘di share-share na lang.

B: Si Zanjoe ba ang tipo mong lalaki na pwede mong mahalin?
P: Oo naman. Mabait naman si Zanjoe.  Kumbaga, tahimik siya pero komedyante rin ‘yan.

B: Sa tingin mo, what went wrong sa relasyon ng mga kaibigan mo?
P:‘Yun ang hindi ko alam. ‘Yun naman ang binigay ko sa kanila. Hindi ako nagtanong. Hindi sila nagsabi. Hinayaan ko na lang.

B: Bilang kaibigan nina Mariel at Zanjoe, sa tingin mo possible pa na magkabalikan sila?
P: Nasa kanila ‘yun, e. Kung mahal pa rin nila ang isa’t isa, why not? Pero sa ngayon nakikita ko pareho na silang happy.

B: Kumusta naman ang sarili mong lovelife?
P: Wala!!!

B: Break na rin kayo ng American boyfriend mo?
P: Wala, wala na kami noon.

B: May formal break up ba?
P: Oo, meron naman.

B: Sumasabay ka talaga kay Mariel maski sa lovelife, huh?
P: Oo. Ha-hahaha! Uso ngayon ‘yan.

B: Paano  ka nakipaghiwalay sa American BF mo?
P: Tinext ko siya. Kasi nalaman ko may iba siya doon.  Nabuking ko siya na iba siya. May nagsabi sa akin. E, may mga friend ako doon (US) nakita siya may kasamang ibang babae.

B: Labis ka bang nasaktan nu’ng malaman mo?
P: Konti, kasi bago lang.  Grabe ang sakit  siguro kung nagtagal kami. Kaya okay lang din.

B: Totoo ba ang balitang papalitan mo na si Eugene Domingo sa “Ang Tanging Ina (Last Na ‘To)?” movie?
P: Hindi ko nga alam, e. Wala pa naman akong nababalitaan tungkol d’yan. Pero syempre malaking oportunidad at karangalan sa akin ‘yung makasama ko siya (Ai Ai delas Alas) sa pelikula. Wala namang problema sa akin kahit hindi ako ‘yung original. Ang importante magawa ko siya ng tama.

B: Close na talaga kayo ni Ai Ai?
P: Ah,oo. Although hindi pa talaga kami nagkakasama ng ganu’n kadalas at katagal.  Wala pang chance talaga na maging ganu’n  kasi pareho naman kaming busy. Pero madalas nagte-text kami sa isa’t isa.

B:  Ano naman ang masasabi mo sa mga nag-react sa naging statement mo na for the first time na-feel mong babae ka nu’ng mag-host si Robin Padilla sa Wowowee?
P:  Wala tayong magagawa kung ganu’n  nag-react sila. Naintindihan ko naman sila kaya hayaan na lang natin.

B:  May balita naman na mananatili raw kayo sa Wowowee as co-hosts sa bagong afternoon show ni Robin sa ABS-CBN. Aware ka ba rito?
P:  Well, sana, sana. Pero wala pa talaga akong alam tungkol d’yan. Wala pang final answer, final answer talaga! Ha-hahaha! Hintayin na lang po natin kung ano talaga ang magiging kaganapan.  Wala po talaga kaming alam kung ano ang mangyayari at may kalabuan pa ang lahat.

B:  May tampo ka raw sa Wowowe host na si Willie Revillame? May  mensahe ka ba na gustong iparating sa kanya?
P:  Ah, Kuya, ang mensahe ko sa ‘yo, alam ko na napakaliit ng mundo at magkakasama pa rin tayo. Alam ko naman na…basta (naiiyak na si Pokwang). Basta ano, ngingiti ka lang sa akin. Yayakapin mo ako at yayakapin din kita. In  fairness Kuya, nami-miss na rin kita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bandera, Philippine entertainment, 071210

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending