Anak ni Pokwang na si Malia ayaw nang makita ang kanyang ama

Anak ni Pokwang na si Malia ayaw nang makita ang ama: Walang echos! 

Ervin Santiago - July 13, 2026 - 12:05 AM
Anak ni Pokwang na si Malia ayaw nang makita ang ama: Walang echos! 
Lee O’Brian, Pokwang at Malia

AYAW na raw makita ng anak ni Pokwang na si Malia ang tatay nitong American actor na si Lee O’Brian.

Iyan ang ni-reveal ng komedyana at TV host nang mapag-usapan ang relasyon nila ngayon ng anak pati na ang na-deport nitong dating partner na si Lee.

Sa guesting ni Pokey sa latest episode ng “Showbiz Updates” YouTube channel, natanong nga ng host nitong si Ogie Diaz kung kumusta ang estado ng relasyon ni Malia sa tatay niya.

Sey ni Ogie, “Siyempre, ang aking inaanak na si Malia ay nagkakamalay na unti-unti sa mga nangyayaring kaganapan sa paligid niya?”

“Wala,” mabilis na sagot ni Pokwang. Patuloy niya, “Ito ha, Walang echos, mare. Sinabi ko sa kanya, tinanong ko siya, gusto mo bang makita someday si Pudreks (read: pudra, tatay)? Sabi niya, ‘No. Why should I?’

“Sabi ko, siyempre tatay mo pa rin ‘yan kahit paano. (Sabi ni Malia), ‘No, you’re the one who provides for me.’ Walang echos ‘to ha. Sinabi niya talaga sa akin ‘yon,” saad pa ng komedyana.

Pero sinabi pa rin daw ni Pokey sa anak na kapag dumating yung panahon na hahanapin nito si Lee ay tiniyak niyang wala itong magiging problema o isyu sa kanya. 

“Umiyak lang siya (Malia)..Sinabi ko sa kanya, ‘Just in case na dumating ang oras na gusto mong makita, okay lang. Walang problema. Pero sabi niya, ‘No need,’” lahad pa ni Pokwang.

Noong June, 2023 ay naghain ng deportation case si Pokwang laban sa dati niyang partner at tuluyan ngang na-deport si Lee sa Pilipinas noong April, 2024 ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending