Kim Chiu nagpatayo ng bahay para sa pamilya; John Arcilla super thankful matapos operahan ang alagang aso

Kim Chiu nagpatayo ng bahay para sa pamilya; John Arcilla super thankful matapos operahan ang alagang aso

Kim Chiu, John Arcilla

MAY bagong achievement ang It’s Showtime host na si Kim Chiu.

Ipinost niya sa kanyang official Instagram account ang kanyang bagong bahay with this caption: “Fruit of labor. #ForeverGrateful”

Of course, ang daming natuwang kapwa celebrity ni Kim sa kanyang achievement.  Talagang nag-effort kasi nang todo si Kim para maipatayo ang kanyang bahay for her family.

Ang ilan sa celebrities na pumuri sa kanya ang ang kanyang boyfriend na si Xian Lim, Melai Cantiveros, Vina Morales, Megan Young, Angeline Quinto at Ogie Alcasid.

“Maging ang fans ni Kim ay natuwa sa kanyang bagong bahay.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu tinukso ng fans kay ‘Boys Over Flowers’ star Kim Hyun-joong: ‘May kilig! Bigyan na ng project yarn!’

“Whoa!!! You got a hustle I totally admire Kim, enjoy life coz it makes others enjoy life! Congrats!”

“You truly deserve this @chinitaprincess. All your hardwork, patience and perseverance are now paying off.”

“Congrats Kimmy. I really support u and happy to see u sa lahat ng mga achievements mo since PBB.”

“You’re so blessed @chinitaprincess… and hard-working.”

“Fruit of your labor indeed…God works in mysterious way…you are blessed because you’re a good person.

“Wow, hardworking chinita @chinitaprincess. congrats gwapa.

“Deserved monday to sunday may trabaho ..hindi na yata to na tutulog si Kimmy.”

* * *

Marami ang natuwang netizens nang malaman nilang fur dad pala ang “Dirty Linen” actor na si John Arcilla.

Sa Instagram ay itsinika ni John na medyo magaling  na ang kanyang alagang aso na si Yapyap matapos itong maoperahan.

Nagpasalamat din siya sa mga nag-pray sa maagang paggaling ng kanyang alagang aso.

“After two weeks of bone surgery- no more stitches for Yapyap! Thank you to my Furparent friends who prayed. Yapyap did not touch his wound at all. Super good boy. Thank you Ninong Doc Jose Cepeda! Thank you Laguna Veterinary Clinic and Wellness Center! You’re the best. Happy Wednesday everyone!”

That was John’s caption sa kanyang IG post.

Ang daming nag-react nang positive sa kanya.

“Speedy recovery for Yapyap and last night’s episode was intense. Ayoko po kayong mawala sa Dirty Linen cos Carlos is one of my favorite characters.”

“Get well soon, fur baby Yapyap. When you’re fully healed, visit me with fur dad @johnarcilla and let’s jog sa UP Academic Oval.”

“Take care lagi, Yapyap and Heneral!”

“Hi idol galing nman magaling na SI Yapyap.magaling Kasi Ang idol ko John arcilla Kya magaling din mag alaga Kay Yapyap God bless idol.”

Samantala, sa “Dirty Linen” ay tumaas ang intensity leve ng show nang bugbugin ni Carlos (John) ang father ni Elisse Joson sa isang marangyang party ng mga Fiero.  Talagang nagkagulo sa party.

Related Chika:

John Arcilla nag-ala Joshua Garcia, netizens aliw na aliw

Read more...