Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more? | Bandera

Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more?

Therese Arceo |May 23,2023
facebook
share this

Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more?

Therese Arceo - May 23, 2023 - 11:54 PM

Luis Manzano hiniritan si Jessy Mendiola sa pagkakaroon ng anak: Gawa 1 more?

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging banat ng TV host na si Luis Manzano sa kanyang asawang si Jessy Mendiola.

Ibinandera kasi ng aktres ang larawan niya habang buhat buhat ang kanilang anak na si Baby Peanut sa kanyang Instagram stories.

Saad ng asawa ni Luis, “Apparently we make big babies. Had to get 6-12mos clothes because she already outgrew her 3-6 mos clothes. She’s only turning 5 months in a few days. Grabe ang bilis.”

Ibinahagi rin naman ng anak nina Edu Manzano at Vilma Santos ang IG story ng asawa.

Nakakatawang hirit ni Luis, “Gawa 1 more? [red hearts and laughing emojis]

Sumagot naman si Jessy sa biro ng asawa na tila sinasakyan ang trip nito sabay sabing “Pagalingin ko muna sugat ko hahahaha.”

Baka Bet Mo: Luis Manzano naloka nang pagbawalan ng netizen na tawaging ‘Peanut’ ang anak: Hindi ako na-inform na kayo nagluwal

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang lambingan ng dalawa online.

“Sadyang nakakataba ng puso na makita si Luis na game na game sa pagbuo ng masayang pamilya. Isang inspirasyon siya sa iba pang mga magulang,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Ang bilis ng panahon noh. parang kahapon lang nagbuntis ka jess, soon may tumatakbo na.”

“Nakakatuwa ang bond n’yo ni Jessy, Luis! Siguradong mas maraming adventures with your future babies!” hirit naman ng isa.

Matatandaang February 2021 nang maganap ang intimate wedding nila sa The Farm at San Benito, Lipa, Batangas.

Samantala, August 2022 naman nang aminin ni Jessy na limang buwan na niyang ipinagbubuntis ang panganay nila ni Luis at ipinanganak ito noong December 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Luis Manzano naisipan na ring mag-retire sa showbiz: Kung alam n’yo lang kung gaano rin kadumi ang industriya…

Jessy Mendiola may pangako kay Luis Manzano: I will be there to fight your battles for you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending