Rachelle Ann Go naloka sa presyo ng gulay sa Pilipinas: Bakit parang mas mura sa London?

Rachelle Ann Go naloka sa presyo ng gulay sa Pilipinas: Bakit parang mas mura sa London?

TILA nagulat ang singer at theater actress na si Rachelle Ann Go sa presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram story nga ay ibinahagi niya ang kanyang pagtataka dahil mukhang mas abot kaya ang presyo ng gulay sa London kung saan sila naninirahang pamilya.

“Bakit parang mas mura ang gulay sa London kesa sa Pinas?” saad ni Rachelle sa kaniyang IG story kung saan makikita larawan ng mga gulay na kuha sa pamilihan sa United Kingdom.

Sunod na ibinandera niya ay ang pamimili ng kanyang ina ng mga gulay sa ibang bansa dahil nga mura ito.

“Mama @ruselle.go.56 buying all the gulay,” sey ni Rachelle.

Ang naturang IG story niya ay naibahagi na rin ng iba’t ibang media outlets at entertainment pages na umani ng komento mula sa mga netizens.

Baka Bet Mo: Rachelle Ann nag-enjoy sa panganganak: I cannot believe we did it!

“Huwag ikumpara ang sariling bayan sa ibang bansa kung ayaw nyo sa pilipinas.. then leave,” mataray na sey ng isa.

Comment naman ng isa sa sinabi ni Rachelle Ann, “Gold po yung gulay sa pinas idol.”

“Mura pa nman po dito samin bsta sa mga farmers na nagtatanim ka din bibili at yung presyo Nila dapat wag na baratin,” hirit naman ng isa.

Si Rachelle Ann ay isang singer at isa ring ganap na theater actress na unang nakilala ng madlang pipol bilang grand winner ng “Search for a Star” noong 2004.

Taong 2018 naman nang magpakasal siya sa businessmab na si Martin Spies at biniyayaan ang kanilang pagsasama ng dalawang anak.

Sa ngayon ay nakatira ang pamilya ni Rachelle Ann sa Greenwich, London, United Kingdom.

Related Chika:
Rachelle Ann isinilang na ang baby nila ni Martin Spies; ipinaliwanag ang pangalan ng anak

Ilang pangunahing bilihin nagbabadyang tumaas ang presyo – DTI

Read more...