Hirit ni Maricel sa mga youngstars na hindi seryoso sa trabaho: ‘Wag kayong pumasok sa industriyang ‘to…maglaro na lang kayo sa Manila Zoo’

Hirit ni Maricel sa mga youngstars na hindi seryoso sa trabaho: 'Wag kayong pumasok sa industriyang 'to...maglaro na lang kayo sa Manila Zoo'

Maricel Soriano

HINDI big deal sa nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano ang tungkol sa mga kabataang artista na hindi bumabati o nagbibigay-pugay sa mga senior actors.

Sa ilang dekada ni Maricel sa TV and movie industry at wala pa raw siyang nararanasang pangdededma o pambabastos mula sa mga young stars na nakakatrabaho niya.

Nu’ng nagsisimula pa lang daw siya sa showbiz hanggang sa magdalaga na, talagang tinuruan na siyang bumati at rumespeto sa mga veteran stats na nakakasama niya sa mga ginagawa niyang pelikula.

“Kami noon, pudpod yung lips namin sa kakahalik sa kanilang lahat. Kasi iyon ang training namin,” ang pagbabahagi ni Maricel sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na mapapanood sa kanyang YouTube vlog.


“Nakagisnan namin iyon, yung magbigay-pugay ka. Kaya kahit nasa dulo pa ng ano iyan, pupunta ako doon saka sasabihan, ‘Tita, nandito na po ako,’ saka, ‘Ako po si Marya,’” chika pa ng Diamond Star.

May mga pagkakataon pa nga raw na siya lumalapit at nagpapakilala sa mga baguhang artista, “Walang gustong mag-introduce sa amin, ‘Hi, I’m Marya,’ Ganu’n na lang.”

Kuwento pa ng aktres, may isang aktor daw na hindi pa niya knows personally na gaganap na asawa niya sa isang project, “So hindi ko kakilala. Walang nagpapakilala sa amin.”

Baka Bet Mo: Maricel naiisip na ring mag-retire sa showbiz: Pero hindi ko siya pwedeng talikuran!

Nilapitan ni Maricel ang nasabing aktor para siya na ang bumati at magpakilala, “Sabi niya, ‘Gusto ko nga po kayong lapitan para batiin kaya lang nahihiya ako.’ Sabi ko, ‘Next time, wag ka na mahihiya.’”

Naalala rin ng Kapamilya actress ang na-witness niyang pangdededma ng isang baguhang aktor sa isang seasoned artist.

“Nakakakita ako ng ganu’n, pero hindi ako ang ginanu’n. Kumbaga, nasaktan din ako. Habang pinanonood ko ‘yung eksenang ganu’n, ‘e bakit ako, hindi niya ba ako kilala? Hindi man lang nagbigay pugay?'” sabi ng premyadong aktres.

Naiintindihan daw niya kung bakit  sumasama ang loob ng mga ito sa mga batang artista pero para sa kanya, wala raw itong isyu.


“Sinabi ko sa sarili ko, ayokong ma-stress sa ganyan. Number one, hindi ko naman kayo kilala. Bakit ko naman i-stress-in ang sarili ko?

“Now, if you come to me and you tell me who you are, ganyan-ganyan, and then I will entertain you. But then, in the meantime, if you are not coming to me and say, ‘Hello,’ e di, wala ka rin mapapala sa aking, ‘Hi’,” sabi pa ng award-winning actress at movie icon.

Nagbigay din siya ng advice sa mga veteran stars na kasamahan niya sa showbiz, “Wag mo nang dibdibin. Wag na. Hindi worth it. Mga bata iyang mga iyan, e. Hindi nila alam ang ginagawa nila.”

Ito naman ang payo ni Maricel sa mga kabataang artista, “Dapat alam niyo yung pinasok niyong industriya. Dapat malaman niyo kung sino itong mga tao behind bago pa lang kayo pumasok dito.

“Saka hindi ito laro. Ito ay trabaho. Trabaho na gagampanan mo ang bawat role na ibibigay sa yo. At itong tinatawag nating trabaho, hindi ito personal.

“Ito ay trabaho na kailangan mong mahalin, respetuhin. Kasi, alam mo, kapag minahal mo at nirespeto mo itong trabaho na ito, babalik naman sa yo ito nang bonggang-bongga.

“Kung nakikita ninyo na parang ang dali lang, hindi totoo iyon, nabubulagan lang kayo. Kaya nagmumukhang madali kasi mahal namin ang ginagawa namin. Meron kaming respeto sa craft namin.

“At saka sana yung interpretation ninyo sa pagiging isang artista ay lawakan pa ninyo.

“Kasi kung ang tingin ninyo, laro ito, nagkakamali kayo. Wag kayong pumasok dito sa industriyang ‘to. Maglaro na lang kayo sa Manila Zoo, kung saan n’yo gusto.

“Pero hindi ito yung lugar ng laro. Ang tawag dito pagmamahal sa trabaho. Kaya lang mukhang ang dali-daling tingnan kapag ginagawa namin,” paliwanag pa ni Maricel Soriano.

Maricel Soriano nagagalit sa mga anak kapag hindi nagpapaalam bago umalis: Hindi ninyo puwedeng gawin sa akin ‘yang mga mille-millennial kayo, no!

Sylvia, Maricel magsasama sa bonggang project ngayong 2023, pangarap ding makatrabaho sina Vilma at Mega

Read more...