SB19 nagpakita ng angas sa bagong single na ‘Gento’, trending agad sa netizens: ‘Nakalimutan kong huminga, OMG!’

SB19 nagpakita ng angas sa bagong single na ‘Gento’, trending agad sa netizens: ‘Nakalimutan kong huminga, OMG!’

PHOTO: Courtesy Sony Music

TRENDING ngayon sa social media ang bagong single ng Pinoy pop sensation na SB19.

Pinamagatan itong “Gento,” isang Caviteño word na ang ibig sabihin ay “ganito.”

Ilang oras pa lang uploaded ang music video ng kanta, ngunit napabilang na ito sa Top 12 ng trending music ng YouTube.

Ayon sa grupo, ang “Gento” ay patikim lamang kung ano pa ang dapat abangan sa kanilang upcoming album na pinamagatang “PAGTATAG!”

Mapapakinggan sa bagong single ang powerful message ng SB19 na kung saan ay tila kinukwento nila ang ilang taong paghihirap bago sila sumikat na parang ginto.

Naging inspirasyon daw sa kanta ang pagsusumikap at tiyaga ng grupo upang makilala hindi lang sa local, kundi pati na rin sa global music scene.

Baka Bet Mo: Josh Cullen ng SB19 nagbigay ng ‘love advice’ sa bagong kanta: It encourages to hold on, trust the process…

Libo-libong fans naman ang napa-wow sa bagong music video at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“Ang ganda ng Gento! It shows how SB19 doesn’t stop when it comes to their music evolution.”

“SB19 never disappoint us. Lagi tayong binibigyan ng malaGENTOng musika. Congratulations mga mahal ko [red heart emoji].”

“The lyrics, the beat, the choreo, and even the humor, wow na wow talaga boys.  It sounds different, refreshing to the ears. Di ka basta basta makakakita ng Gento indeed!!”

Samantala, ang “PAGTATAG!” album ay nakatakdang ilabas sa darating na Hunyo.

Nauna nang ibinunyag ng grupo na aasahan sa bagong album ang iba’t-ibang genre at music style.

Bukod diyan ay magkakaroon pa ng “world tour” ang P-pop kings na mangyayari sa Pilipinas, pati na rin sa United States, Canada, at marami pang lugar.

Magsisimula ‘yan sa June 24 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang bentahan ng tickets ay magsisimula sa May 21, 12 noon via TicketNet outlets nationwide o kaya naman sa pamamagitan ng kanilang website na www.ticketnet.com.ph.

Related Chika:

Bretman Rock nagpa-tattoo para muling ibandera ang pagiging Pinoy sa buong universe

Read more...