Sue Ramirez sinagot ang chikang tomboy daw siya at naging dyowa si Maris Racal: ‘Sa landi kong ‘to! Charing!’

Sue Ramirez sinagot ang chikang tomboy daw siya at naging dyowa si Maris Racal: 'Sa landi kong 'to! Charing!'

TINATAWANAN lang ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang mga kumakalat na chika na isa siyang lesbiyana.

At ang mas nakakaloka pa raw, natsismis din na magdyowa sila ng kanyang kaibigan at kapwa Star Magic artist na si Maris Racal.

Maraming naging rebelasyon si Sue sa panayam sa kanya ng Cosmopolitan Philippines na mapapanood sa YouTube channel nito tungkol sa kanyang showbiz career at personal life.

Isa nga sa mga natanong sa kanya ay, “What’s the craziest rumor you’ve heard about yourself?”

“Tomboy daw ako!” ang pag-amin ng Kapamilya actress habang tumatawa nang bonggang-bongga!

Hirit pang dialogue ni Sue, “Sa landi kong ‘to? Chareng! Ha-hahahaha!”

“I like boys common, guys,” ang paniniguro pa ni Sue kasabay ng pagsasabing pati raw ang isa sa mga friends niya sa showbiz na si Maris Racal ay napagkamalang dyowa niya.

Samantala, para kay Sue non-negotiable raw sa isang relasyon ang panloloko, pagtataksil o cheating.

Aniya, kapag pumasok ang isang tao sa isang serious relationship dapat lang na maging loyal at faithful sa kanyang partner, wala raw itong “ifs and buts”. Dapat daw isa lang ang pag-aalayan natin ng ating pag-ibig.

Aminado naman ang dalaga na maligayang-maligaya pa rin siya sa kanyang boyfriend na aktor at ngayo’y Victorias City Mayor nang si Javi Benitiz.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

* * *

Isang super exciting at fun-filled Saturday ang naghihintay sa mga Kapusong Dabawenyos dahil dadalhin ng GMA Regional TV ang cast ng upcoming series na “Royal Blood” at “LUV IS: Love at First Read” sa Davao sa May 20.

Real life couple Megan Young and Mikael Daez from the much-awaited action-packed family drama “Royal Blood” will treat their fans to a thrilling and entertaining Kapuso Mall Show at Gaisano Mall Tagum, Tagum City at 4 p.m..

Magpapasabog din ng kilig ang Sparkle Sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, na bibida sa feel-good series “LUV IS: Love at First Read” sa Kapuso Mall Show sa Atrium, Gaisano Mall, Toril, Davao City at 5 p.m..

“GMA Regional TV is very excited to have the cast of the upcoming TV series ‘Royal Blood’ and ‘LUV IS: Love at First Read’ in Davao this weekend. With the support of our loyal viewers all over the Philippines, it is always our pleasure at GMA Regional TV to bring their favorite Kapuso artists closer to where they are,” ayon kay GMA First Vice President and Head of Integrated News, Regional TV and Synergy Oliver Victor B. Amoroso.

Premiering this June 19, “Royal Blood” is the biggest murder mystery on Philippine TV primetime headlined by no less than Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

It follows the story of Napoy, a bastard son of a business tycoon and a loving single father working as a motorcycle rider who sooner or later becomes the primary suspect of his father’s death.

Meanwhile, following the success of “LUV IS: Caught In His Arms” comes the second collaboration project of GMA Network and Wattpad WEBTOON Studios – “LUV IS: Love at First Read” na magsisimula na ito sa June 12.

Related Chika:
Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya!

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Read more...