Jason Momoa, Gal Gadot, Dwayne Johnson, Brie Larson tampok sa ‘Fast X’

Jason Momoa, Gal Gadot, Dwayne Johnson, Brie Larson tampok sa ‘Fast X’

PHOTO: Courtesy Universal Pictures

TALAGA namang bigating hollywood stars ang mga tampok sa bagong pelikula ng hit action film na “The Fast and the Furious.”

Palabas na sa mga lokal na sinehan ang “Fast X” na kung saan ay bidang-bida pa rin si Vin Diesel bilang si “Dom Toretto.”

Ang matinding makakalaban ni Dom sa bagong pelikula ay si “Dante” na ginagampanan ng “Aquaman” star na si Jason Momoa.

Ito ang unang beses na magiging kontrabida si Jason kaya naman tinodo na niya ang kanyang pag-arte.

Ayon pa sa kanya, marami ang maninibago sa kanyang karakter, lalo na’t malayong-malayo ito sa mga role na kanya nang nagampanan.

“I hadn’t played a villain in about 10 years, and the opportunity to have that role in this franchise meant so much to me,” sambit ni Jason sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures.

Baka Bet Mo: Jason Momoa ‘first time’ magiging kontrabida, makakalaban si Vin Diesel sa bagong action film na ‘Fast X’

Saad pa niya, “I was excited to inject a fresh and entertaining element to the character, and it was fun to figure out his specific balance of playfulness and psychopathy. Dom doesn’t understand how tricky and sly Dante is, and how Dante has duped him into his web.”

Kung nasubaybayan niyo ang mga naunang kabanata ng nasabing franchise, si Dante ang anak ng crime lord na si Hernan Reyes, ang karakter na tampok sa pelikulang “Fast Five.”

Ang nabanggit na kontrabida ay nakatakdang maghiganti kay Dom dahil sa sinapit na pagkamatay ng kanyang tatay.

Bukod kay Vin at Jason, tampok din sa action film ang returning casts na sina Michelle Rodriguez, Tyrese Gibson, Chris Ludacris Bridges, Nathalie Emmanuel, Jordana Brewster, Sung Kang, Jason Statham, John Cena, Scott Eastwood, pati na rin ang Oscar winners na sina Helen Mirren at Charlize Theron.

May special appearance din ang “Marvel” star na si Brie Larson, “Wonder Woman” star Gal Gadot, at “Black Adam” star Dwayne Johnson.

Related Chika:

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Read more...