Pagsusuot ng face mask ‘required’ na ulit sa Baguio City 

Pagsusuot ng face mask ‘required’ na ulit sa Baguio City 

INQUIRER file photo

BINALIK ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang “mandatory” na pagsusuot ng face masks, lalo na pagdating sa indoor settings.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa ating bansa.

“Kaya dito ipapatupad na uli natin… especially indoors, we are now requiring our constituents and visitors to be wearing their face masks,” sey ni Baguio Mayor Benjamin Magalong sa isang interview na ibinandera sa Facebook page ng Baguio City Public Information Office.

Dagdag pa niya, “This is one way of mitigating, hopefully we are able to reduce the number of cases.”

Baka Bet Mo: COVID-19 hindi na itinuturing ‘global health emergency’ –WHO

Bagamat naging requirement ulit ang face mask, nilinaw ni Mayor Benjamin na hindi nito lilimitahan ang galaw ng mga tao pagdating sa mga pagpupulong at events.

Ayon pa sa alkalde, hindi lang mga residente ang mapoprotektahan sa pagsusuot ng face mask, pati kundi na rin ang mga turista at iba pang bumibisita sa kanilang probinsya.

“We will just take extra precautions [against COVID-19]. Let’s also avoid handshakes and do fist bumps instead,” giit ng mayor.

As of May 11, ang Baguio City ay mayroong 46,363 COVID-19 case, kasama na riyan ang 68 active cases o patuloy na nagpapagaling, 45,390 na mga gumaling mula sa virus at 905 na mga nasawi.

Read more:

John Arcilla sa boluntaryong pagsusuot ng face mask: Iginagalang ko ang desisyon ng bawat isa

Read more...