Ogie Diaz may pinaringgang ‘host’: ‘Wag ka masyadong dependent sa teleprompter

Ogie Diaz may pinaringgang 'host': 'Wag ka masyadong dependent sa teleprompter

DA HU kaya ang pinariringgan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz?

Sa kanyang Instagram story at Facebook My Day kasi ay tila may pa-blind item ang showbiz personality patungkol sa isang kilalang “host” na pinayuhan niyang huwag umasa lang sa teleprompter.

“Pag host ka wag ka masyadong dependent sa teleprompter. Dapat, alam mo at na-research mo ang subject mo o yung isyung pinag-uusapan,” pagbabahagi ni Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Ikaw ang captain of the ship, ikaw ang inaasahang magdadala ng show, ikaw ang aakay sa guests, ikaw ang hihimay ng mga isyung pinag-uusapan hanggang sa maitawid mo hanggang dulo.”

Ani Ogie, sa umpisa raw ay maiintindihan pa na sa umpisa ay “manganganay” ang naturang host ngunit hindi raw lahat mg viewers ay makakaintindi sa ganito.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…

Sey pa ni Ogie, “Anyway, matagal ka na sa hosting, kaya mo ‘yan. Wala kang di kakayanin.”

Wala namang ibinigay na clue ang talent manager ngunit mukhang matitinik ang mga followers nito.

Base sa mga comments ay tinatanong nila kung ang pinatutungkulan nga ba ni Ogie ay ang bagong host ng “Face 2 Face” na si Karla Estrada.

“new host of Face to Face,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Si queen mother po ba, kuya ogie?”

“Tapos mga problema pa ng iba yung susubukan nyo lutasin.. as host dapat patas ka,” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pa namang kumpirmasyon si Ogie kung true ang hinala ng madlang netizens.

Related Chika:
Cristy Fermin sa hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz: Hindi ako makapaniwala

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Read more...