Awra alagang-alaga ni Maja: ‘Sobrang suwerte ‘ko, parang may anak siya at ramdam na ramdam ko yung love niya’

Awra alagang-alaga ni Maja: 'Sobrang suwerte 'ko, parang may anak siya at ramdam na ramdam ko yung love niya'

Awra Briguela at Maja Salvador

NAHASA na nang bonggang-bongga si Maja Salvador bilang host dahil kering-keri na niya ngayon ang humawak ng isang game show.

Nagsimula na last Sunday, May 14, ang pinakabagong programa ng TV5 na susubok sa bilis ng isip ng mga Pinoy viewers, ang nakakaaliw na game show na “Emojination.”

Malaki siyempre ang naitulong ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” sa hosting skill ni Maja dahil dito nga niya nakasama ang iconic trio at veteran comedian na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Idagdag pa sina Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo na maituturing na ring haligi ng longest-running noontime show sa Pilipinas.


Kuwento ni Maja sa presscon ng “Emojination”, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bagong game show na ipinagkatiwala sa kanya ng APT Productions, kung saan makakasama rin niya ang kanyang anak-anakan na si Awra Briguela.

Sey ni Maja, sobra-sobra ang pagmamahal sa kanya ng APT family kaya abot-langit din ang pagpapasalamat niya sa mga ito.

“Pandemic pa ay naramdaman ko na ang love sa akin ng APT so, marami akong first experience sa kanila. At heto sila pa rin ang unang nagbigay sa akin ng unang game show at para ibigay sa akin ito, sobrang laki ng pasasalamat ko dahil grrbe ang tiwala nila sa akin.

“Kaya naman yes na yes kaagad lalo na ang title pa lang, interested na ako and then noong sinabi kung paano tatakbo ang game show, doon ako lalo na-excite, andoon na naman ‘yung mga butterfly sa stomach ko, kinilig na naman ako,” chika pa ng aktres at TV host.

Baka Bet Mo: Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’

Kuwento pa niya, “Six months ako naghintay para sa tamang panahon para maipalabas na ito at finally ito na at ramdam ko naman na lahat eh, nag-eenjoy. I think it’s a good decision nag-yes ako.”

Para naman kay Awra, napakalaking blessing sa kanya ang “Emojination”, “Ako naman po ang pinaka-on the go for the go, ‘yung tipong super go agad ako noong in-offer ito sa akin kasi first ever show ko ito na sa ibang network and first time kong maka-work ang APT kaya super go talaga ako.


“Kaya noong sinabi sa akin ni Ate Maja kunwari, last week go na rin agad, ganoon na kaagad ako,” sey ni Awra.

“‘Yung show talaga na ito ay first sa APT pero sa TV5 second ko na dahil ‘yung first ay with Kuya Aga Muhlach,” dagdag pa niya. Unang nagkasama sina Awra at Maja sa ABS-CBN series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Samantala, natanong din ang dalawa kung paano nila pinaghandaan ang kanilang show, sagot ni Maja, “Excited talaga agad ako noong binanggit sa akin ng APT family na magkakaroon ako ng game show at ako ang host.

“Parang ako kasi mahilig akong tumanggap ng mga project na matsa-challenge talaga ako. So nagho-host ako sa isang show (Eat Bulaga), pero different pala talaga kapag host ng isang game show.

“Dito kasi kailangan mong pag-aralan, hindi lang sa script kailangan (dumepende), kailangan mabilis din ang utak mo, kailangan talagang pati ikaw alam na alam mo ang mechanics niyong laro, niyong game show.

“And through the help of our director, APT family andoon iyong makikita noong dry run namin nagbibigay sila ng comment kung ano ang kulang sa akin, kulang sa aming dalawa, anong mas dapat gawin pa. So kaya fun talaga, sobrang fun kapag nagte-taping kami ng emojination,” paliwanag ni Maja.


Chika naman ni Awra, “Sobrang suwerte ako kasi alagang-alaga ako ni ate na parang may anak siya. Ramdam na ramdam ko ‘yung love niya sa akin kahit noong bata pa ako hinahayaan niya akong gamitin ang artista van niya.

“Happy na happy ako talaga ako na si ate Maja ang kasama ko. At hindi ako masyadong naghanda, roon talaga ako naexcite sa games kasi noong ine-explain pa lang sa akin ang game natsa-challenge na ako and binigyan nila ako ng bawat example hindi ko masagot parang naaano ako naba-black out ako kaya lalo akong na-excite kasi pagaganahin talaga ‘yong imahinasyaon mo at common sense mo,” dagdag ng batang comedian.

Susubukan ng “Emojination” ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.

May dalawang teams na maglalaban sa loob ng tatlong rounds. Sa first round na “Pic-Per-Word,” magpapakita ng four emojis na nagde-describe ng isang mystery word at kailangan mahulaan ng mga player kung ano ang salitang ito.

Ang third round naman ay ang “A Pair to Remember” na ang bawat team ay pakikitaan ng flip board na mayroong 20 emoji blocks at kailangan nilang tumakbo sa obstacle course hanggang ma-match nila ang nakakubling emoji pairs. Ang team na makakakuha ng pinakamaraming “emoticoins” ang makakarating sa jackpot round para sa tsansang manalo ng mas malaking premyo.

Ang Team na may maraming “Emoticoins” ay maaaring sumali sa Jackpot round na tinatawag na “Match Magaling” na ang teamwork ng magka-partner ay masusubukan dahil huhulaan nila ang 5 mystery compound words sa loob lamang ng 3 minuto. Kapag nahulaan ay makukumpleto nila ang Jackpot round at maiuuwi ang premyong na naghahalagang P50,000.

“Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life,” sabi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero. “We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend.“

Kaya tutukan ang “Emojination” tuwing Linggo, 5 p.m. sa TV5.

Awra matagal nanahimik sa socmed: Nasa point pa rin ako ngayon na naghi-heal…

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Read more...