120k katao naki-join sa 'Summer Blast 2023', Gloc-9, Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy nagpasabog ng good vibes | Bandera

120k katao naki-join sa ‘Summer Blast 2023’, Gloc-9, Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy nagpasabog ng good vibes

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:35 AM

120k katao naki-join sa 'Summer Blast 2023', Gloc-9, Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy nagpasabog ng good vibes

Summer Blast 2023

KUNG ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas naman — may Summer Blast!

Tampok ang bigating concert experience, samu’t saring pasyalan, amusement rides, booths at summer-themed attractions, talaga namang nag-level up pa ang event ngayong 2023.

Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9)


Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9. Dinumog ang Philippine Sports Stadium na halos di mahulugang-karayom sa dami ng nanood.

Baka Bet Mo: Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag rin ng kanilang naging experience.

“Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” ang komento ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng “It really was a blast!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Silent Sanctuary (@silentsanctuaryonline)


Nag-perform din sa event ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill at si Noah Alejandre.

Bumandera rin ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang ‘Uhaw.’ Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa dami ng nanood.

“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview.

Marami rin ang bumilib at humanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito raw ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.

Blaster Silonga sa ‘pagkatalo’ ni VP Leni: Dapat pala anak na lang siya ng dictator

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gloc-9 mas piniling maging rapper kesa ipagpatuloy ang buhay bilang nurse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending