Suwerteng malas (2) | Bandera

Suwerteng malas (2)

Joseph Greenfield - October 15, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lanie, ng Barangay Banbanan, Dapitan City
Problema:
1.      Ako po ay disgrasyada, na ang tawag ngayon ay single mom.  Pero, kahit may anak ako sa pagkadalaga, pilit kong itinutuloy ang aking pag-aaral kahit kapos ang pera.  Pangarap kong makatapos ng kurso sa anumang health field.  Hanggang sa nakatapos ako at ngayon ay nagre-review para sa board exam.
2. Sa susunod na taon, balak ko pong mag-take ng board exam. Nais ko pong malaman kung susuwertehin ba akong makapasa sa 2014 at suwerte ba sa akin ang taong ito? Sa pag-ibig, gusto ko rin pong malaman kung may magandang love life na nakalaan sa akin, yung tunay na, sa kabila ng pagiging dalagang ina ko. October 17, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Lanie, ng Barangay Banbanan, Dapitan City
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra ang nagsasabing (Illustration 2.), madali kang susuwertehin sa career pero sa pag-ibig, tulad ng nangyari at mangyayari pa may manaka-nakang kamalasang sasapitin, maliban na lang kung sa ikaapat na pag-ibig, isang Aquarius ang sasagutin at magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagtatakda ng magara o kakaibang kapalaran. Kung saan, tulad ng nasabi na, “suwerte sa career malas sa pag-ibig” ngunit sa ika-4 na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka rin at magkakaroon ng isang matagumpay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang magtutuloy-tuloy ang suwerte sa career at sa pag-ibig lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na violet, yellow at red. Ang nasabing mga kulay ang magdadala sa iyo sa isang maganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Lanie, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-alala sa career, dahil sa sandaling kumuha ka ng board exam sa susunod na taon, siguradong makakapasa ka at magiging isang ganap na medical technologist, ngunit sa pag-ibig, dalawang kabiguan pa ang iyong pagdaraanan, sa ikaapat na pakikipag-relasyon, mabubuo ang masaya at maunlad na pamilya at tuluy-tuloy ka na ring susuwertehin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending