Maja iwas muna sa paggawa ng teleserye: ‘Nakaka-stress, ayoko namang magmukhang haggard sa kasal ko’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Awra Briguela at Maja Salvador
NANGANGARAP sina Maja Salvador at Awra Briguela na sana’y maging celebrity guests nila sa kanilang game show na “Emojination” na nagsimula na nitong Linggo ang ilang malalaking artista.
“Bukod sa mga artists ng Crown Management (talent agency ni Maja), siyempre love your own. Ang iba pa Piolo Pascual, John Lloyd Cruz ang lalaki. Ha-hahahaha!” ang sabi ni Maja.
Hirit ni Awra, “Why not?”
Pagpapatuloy ni Maja, “Si Vice (Ganda), sino pa ba? Si DJ (Daniel Padilla), mangarap talaga. Mga PBA players or UAAP players. For all generations po kaya kahit sino puwedeng mag-guest. Iwe-welcome namin lahat ang gustong maka-experience ng Emojinations.”
Nagsimula na ang “Emojinations” kahapon, Linggo, 5 p.m at sina Pepe Herrera at Enzo Pineda versus Alexa Miro at Michelle Vito mula sa teleseryeng “Iron Heart” ang pilot episode nila na napanood sa Cignal TV at Buko Channel produced ng APT Entertainment at TV5.
Inamin din ni Maja na nu’ng ialok sa kanya ang nasabing game show ay nagustuhan niya agad lalo’t very light lang ito, “Kapag teleserye nakaka-stress. Ayoko namang magmukhang haggard ako sa kasal ko (na magaganap na sa Hulyo).”
Nilinaw din ng aktres na wala siyang kinalaman sa pagkuha kay Awra bilang co-host niya sa show dahil TV5 ang pumili rito.
Pero siyempre masaya si Maja sa muli nilang pagsasama dahil noon ay batang-bata pa si Awra at alaga pala talaga siya ng aktres noon pa sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
“Maliit pa lang si Awra, ate-ate na niya ako kasi nagka-work kami, so little Awra palang siya noon at ngayon saludo na sa kanya ang mga Gen Z dahil sa kanyang ganda, sa kanyang porma.
“But first time naming magsama sa isang game show. Makikita rito ‘yung kakulitan side naming dalawa na ibang-iba sa una kaso serye ‘yun. I think may chemistry naman ‘yung pagho-host naming dalawa kaya nakaka-excite,” aniya.
Mula naman kay Awra, “Sobrang suwerte ko kasi alagang-alaga ako ni ate at parang may anak talaga siya, kita mo naman, I’m wearing her Versace shoes right now (magka-size sila).
“Sobrang tutok si ate sa akin, sa pananamit ko, sa nails ko na siya rin ang nagdidikit nito. Ramdam na ramdam ko ‘yung love niya sa akin kahitt noong bata pa ako lalo’t hinahayaan niya akong gamitin ang artista van niya kaya happy ako na si ate Maja ang kasama ko rito.
“Na-excite ako kasi pagaganahin ang utak mo para isipin ang emojinations. First time ko ring mag-hosting kaya medyo kinabahan ako. Pero nu’ng mag-roll na kami, kusang lumabas na at ‘yung banter namin ni ate Maja okay,” kuwento ni Awra.
Anyway, sa “Emojination” ay may dalawang teams na maglalaban para sa tatlong rounds. Sa first round na “Pic-Per-Word,” magpapakita ng four emojis na nagde-describe ng isang mystery word at kailangan mahulaan ng mga players kung ano ang salitang ito.
Ang second round ay tinatawag na “Sabi Swabe.” Kailangan ma-identify ng mga contestants ang mga sikat na lines or phrases, na ipapakita sa pamamagitan ng mga emojis, para makapunta sa susunod na round.
“Ang third round naman ay ang “A Pair to Remember” kung saan ang bawat team ay papakitaan ng flip board na mayroong 20 emoji blocks at kailangan nilang tumakbo sa obstacle course hanggang ma-match nila ang nakakubling emoji pairs.
Ang team na makakakuha ng pinakamaraming “emoticoins” ang makakarating sa jackpot round para sa tsansang manalo ng mas malaking premyo.
Ang team na may maraming “Emoticoins” ay maaaring sumali sa Jackpot round na tinatawag na “Match Magaling” kung saan ang teamwork ng magkapartner ay masusubukan dahil huhulaan nila ang 5 mystery compound words sa loob lamang ng 3 minuto. Kapag nahulaan ay makukumpleto nila ang Jackpot round at maiuuwi ang premyong na naghahalagang P50,000.
“Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life,” bahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.
“We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend,” aniya pa.