Anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak napagkamalang Hollywood star, kamukha raw nina Channing Tatum at Chris Evans, agree kayo?

Anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak napagkamalang Hollywood star, kamukha raw nina Channing Tatum at Chris Evans, agree ba kayo?

Jakob Poturnak at Ina Raymundo

SIGURADONG “pipilahan” agad-agad ng mga fans ang binatang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak kapag sumabak na rin ito sa mundo ng showbiz.

Super flex ang sexy actress at hot mama sa social media ng litrato ni Jakob na pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens at nakakuha ng iba’t ibang nakakaloka at positibong reaksyon.

Sa caption na inilagay ni Ina sa litrato nilang mag-ina sa Instagram, five months na niyang hindi nakikita nang personal ang anak. Kaya naman shookt ang aktres dahil mas tumangkad pa raw ito ngayon.


“Welcome back @jakobpoturnak! Didn’t see my son for five months. I’m shookt at how much he’s grown. So happy to finally be with my only sonshine,” ang mensahe ng aktres.

Sa comments section, marami ang nagsabi na ang akala nilang kasama ni Ina ay isang Hollywood star. Malaki kasi ant pagkakahawig ni Jakob sa international star na si Channing Tatum.

May nagkomento naman na kamukha ng anak ni Ina ang Hollywood actor na si Chris Evans at may Tom Cruise feels din daw ang aura nito.

Marami rin ang nagsabi na bet na bet nilang maging mother-in-law si Ina at talagang pipila sila agad para mapansin at maging dyowa si Jakob.

At sana raw ay pasukin din nito ang showbiz dahil siguradong magiging instant matinee idol at heartthrob ang binata.


Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa IG post ni Ina patungkol kay Jakob.

“Parang kelan lang baby pa sya. Ngayon baby ko na sya.”

“Feeling ko talaga si Ms. Ina magiging byenan ko.”

“Tom Cruise na Channing Tatum na Chris Evans.. sino pa ba… Huuuuiiiiiiiii lahat na ata pina-isa sa kanya. Proud momma.”

“Basin pwede ko ma daughter-in-law nimo tita char HAHAHHAHAH @inaraymundo95.”

“Sure na sure akong maraming patataubing male Celebs si Jakob dahil now pa lang ay star na star na siya! Ms Ina sana pag artistahin nyo na si Jakob please!”

Ina Raymundo sa napakatangkad at artistahing anak: He looks like my ‘kuya’…where did my little munchkin go?

Pagiging ‘hot mama’ ni Ina Raymundo hindi tanggap noon ng 2 anak, hirit daw ni Jacob Poturnak: ‘I wish you were a normal mom’

Read more...