Lee O’Brian ‘wish’ na maging maayos na ang isyu kay Pokwang: I always have love for the mother of my child

Lee O’Brian ‘wish’ na maging maayos na ang isyu kay Pokwang: I always have love for the mother of my child

PHOTO: Instagram/@leeobrian

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Lee O’Brian, ang estranged partner ng comedienne-actress na si Pokwang, patungkol sa isyu nilang dalawa.

‘Yan ay matapos ma-interview ng entertainment website na PEP.ph si Lee habang nagsasagawa ng mediacon at press screening ng pelikulang kinatampukan niya na may titulong “Sandwhich.” 

Kinuhaan nila ng reaksyon ang foreign actor tungkol sa paghihiwalay nila ng komedyana, ngunit naging matipid ang sagot niya.

Ayon pa sa nasabing entertainment website, naging aware si Lee sa mga ibinabandera ni Pokwang sa social media, pero gayunpaman ay nananatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang mag-ina.

“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world,” sey ni Lee.

Dagdag pa niya, “And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child in this world. And that’s my story. That’s all I can say.”

Baka Bet Mo: Pokwang laban kung laban sa ‘legal battle’ kontra Lee O’Brian: Hindi ako susuko para sa ’yo anak…

Hiling pa niya na sana ay maging maayos na ang lahat, lalo na ang kanyang anak na si Malia.

“I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” sambit ni Lee.

Mula noong makipaghiwalay si Pokwang kay Lee ay talagang binabanatan niya ang dating live-in partner.

Isa na riyan ‘yung pagbabalita niya na may ibang babae na ngayon ang American actor.

Noong Marso lamang ay nabanggit din ng komedyana na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para matanggal na ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at isunod na ito sa kanyang surname na “Subong.”

Kung maaalala, isa sa mga rason kaya niya hiniwalayan at pinalayas ang dating partner dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Related Chika:

Rufa Mae Quinto muling bibida sa remake ng ‘Booba’ makalipas ang 2 dekada

Read more...