IBINANDERA ng self-proclaimed Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza ang kanyang paghanga sa YouTube vlogger na si Whamos Cruz.
‘Yan ay dahil sa pagiging mabuting ama raw nito sa kanyang pamilya.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Xian ang screenshot ng naging pag-uusap nila ni Whamos.
Caption pa niya, “Whamos Cruz nawa’y tularan kayo ng ibang influencers at mag-travel din sila ng mag-travel kaysa mapunta lang ‘yung milyones nila sa mga walang kwentang bagay.”
Sa screenshot naman ay mababasa na inamin ni Xian na may naalala siya matapos makita ang latest vlog ni Whamos na dinala ang kanyang pamilya sa Hong Kong.
Sey ni Xian kay Whamos, “Napanood ko just now ‘yung video mo sa Hong Kong at tuwang-tuwa ka sa pera nila. Medyo teary-eyed ako kasi nakita ko sarili ko sayo 13 years ago.”
Pinayuhan pa niya ang vlogger na mas magandang maubos ang pera sa kaka-travel kaysa naman daw sa mga walang kwentang bagay.
“Madarama mo ang tunay na kaligayahan maniwala ka sa akin. Mas lalawak ‘yung pananaw mo sa buhay. Mas makakaisip ka ng mga inenegosyo sa Pinas. Mas gaganda ang takbo ng iyong pag-iisip. Mas magiging malupit ang iyong pagkatao,” saad niya.
Baka Bet Mo: Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong
Dagdag pa niya, “Mare-realize mo na napakalaki pala ng mundo para manatili ka sa iisang bansa. Enjoy your time with your family, Kumpare. God bless you.”
Sagot naman sa kanya ni Whamos, “Ginagawa ko talaga ‘to para sa family ko at ayoko din naman ubusin ‘yung pera namin sa kung saan-saan. Mas okay maubos din ang pera sa sariling pamilya.”
Dahil diyan ay lalong humanga si Xian at sinabing, “Isa kang mabuting asawa at Padre de Familia.”
“Diyan ako sobrang hanga sa’yo kasi ayan ‘yung isang bagay na hindi ko kaya. Stay happy with your family,” aniya.
Libo-libong netizens naman ang tila naka-relate at natamaan sa FB post ni Xian.
Magugunita noong nakaraan lamang ay nagbigay ng financial assistance si Whamos sa kanyang tatlong tiyahin na nawalan ng trabaho.
Binigyan niya ito ng tig-P30,000 na maaari nilang magamit upang makapagsimula ng negosyo.
Related Chika:
Ai Ai delas Alas pinapili ng press: Mas naging mabuting ina ba o mabuting anak?