Ai Ai delas Alas pinapili ng press: Mas naging mabuting ina ba o mabuting anak?
NAGING emosyonal ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas nang mapag-usapan ang tungkol sa yumao niyang biological mother.
Inamin ng veteran Kapuso comedienne na hanggang ngayon ay labis pa rin ang panghihinayang niya dahil hindi siya nabigyan ng chance na makasama nang matahgal ang tunay niyang nanay.
Talagang napaiyak si Ai Ai nang usisain tungkol dito sa isang panayam para sa promo ng bago niyang drama series sa GMA, ang “Raising Mamay”. Ang tanong sa komedyana, maituturing ba niya ang kanyang sarili na isang mabuting ina o isang mabuting anak?
Ang feeling ni Ai Ai, mas masasabi niyang mas naging mabuti siyang ina dahil, “Hindi ako masyadong naging better daughter kasi, una, hindi ko nakasama ‘yung biological nanay ko.
“Nakasama ko na siya noong meron na siyang dementia na siya, so hindi na niya ako naaalala. Pero inalagaan ko naman siya in a way na provider,” paliwanag ni Ai Ai sa report ng GMA.
Sa mga hindi pa aware, ang kanyang tiyahin na matandang dalaga ang nagpalaki sa kanya na hanggang ngayon ay kasama pa rin niya.
Pero paglilinaw niya, “Good daughter pa rin naman pero mas good mother ako kasi marami akong time na nailaan sa mga anak ko.”
View this post on Instagram
Sundot na tanong kay Ai Ai, kung nararamdaman pa rin na niya ang pain ng hindi niya nakasama nang matagal ang tunay na nanay. Dito na siya napaiyak.
“Kasi minsan, kunwari, napapagalitan ako ng adoptive na nanay ko, tapos kunwari, pinapalo niya ako, naiisip ko na siguro kapag nandu’n ako sa nanay ko, hindi niya ako papaluin.
“Siguro pagtitiyagaan niya ako. Siguro kahit nakakainis na ‘yung ginagawa ko, hindi niya ako papaluin kasi sobrang mabait ‘yung nanay ko. As in sobra, sobra, sobrang mabait siya.
“Nanghihinayang ako na sana nakasama ko siya noong wala pa siyang Alzheimer’s (disease) para, at least, maramdaman niya na kahit pinamigay niya ako, mahal na mahal ko siya kasi siya ‘yung nagbigay ng buhay sa akin.
“At saka naaalala ko kapag nagso-sorry siya sa akin na pinamigay niya ako. I think, hindi rin naman niya gusto ‘yon, pero desisyon ng tatay ko na ipamigay ako kasi nahihiya sila sa auntie ko, na parang, ‘Kapag babae ‘yan, ate, akin na lang, ha.’
“So, umoo ang nanay ko, siguro nahiya na lang siya na hindi niya tuparin ‘yung oo niya. Pero nagkasakit kasi ‘yung nanay ko ng three months noong kinuha ako as a baby.
“Ngayon, kapag naiisip ko ‘yun, na sana nakasama ko siya para maramdaman niya na okay lang kahit pinamigay niya ako, mahal na mahal ko pa rin siya,” pagbabalik-tanaw ni Ai Ai patungkol sa kanyang inang pumanaw noong 2013.
Mapapanood na ang “Raising Mamay” sa darating na Lunes sa GMA Telebabad.
Related Chika:
Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit
Pagkawasak ng friendship nina Kris at Ai Ai dahil nga ba kay James Yap?
Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.