Tuesday todo-tanggol kay Bitoy matapos tawaging laos ni Rendon Labador: ‘Hindi ko masikmura na binastos ang iginagalang kong artista’

Tuesday todo-tanggol kay Bitoy matapos tawaging laos ni Rendon Labador: 'Hindi ko masikmura na binastos ang iginagalang kong artista'

Rendon Labador, Tuesday Vargas at Michael V

MAY post ang singer-actress na si Tuesday Vargas tungkol sa isang social media influencer na kamakailan ay laman ng pahayagan at showbiz websites dahil sa mga komento nito tungkol sa programang “FPJ’s Batang Quiapo.”

Nag-ugat ito sa Facebook post ng komedyanteng si Michael V noong Abril 29. Aniya, “The first thing an content should understand is the meaning of the word: CONTENT.”

Nakakuha ito ng mahigit 18,000 likes, 829 comments at 1,000 shares na pawang mga kilalang personalidad sa industriya ang sumang-ayon.

Nakuha naman ni Bitoy ang atensyon ng social media influencer na si Rendon Labador. Sabi nito, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.”


Dagdag pa niya, “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”

Wala kaming nakitang sagot si Bitoy sa post na ito ni Rendon.

Si Tuesday ang nakitaan namin ng reaksyon at ikinumpara niya ang mainstream celebrities at social media stars. Simula niya, “May nakita akong post na ganito ang tema: ‘LAOS NA KAYO. WE CONTROL THE MEDIA NOW.’

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

“Usapang labanan ng mainstream celebrities versus social media stars. Sa nag post po ng ganitong batikos sa mga artista ng mainstream media, meron lang akong konting saloobin para sa ’yo,” ang sabi ni Tuesday.

Inisa-isa niya ang kanyang mga punto hinggil dito.

“1. Ang pagiging artist ay hindi lang basta paramihan ng fans. Bottom line is may talent ka dapat para tumagal ka sa industriya.

“Madami ang sikat sa socmed na kapag nakasama namin sa taping ay parang fish out of water. Kapag hindi na ma edit kasi nga live, adliban na sa set, pakikinig sa cue ng direktor sa floor at simpleng acting sa harap ng camera ng iilang linya ay nangangapa.

“Hindi po natututunan ang mga bagay na ito overnight. Taon ang binubuhos at genuine talent. Walang followers na pinag uusapan kasi at the end of the day, mapapagod ang taganood kung one note samba ka lang na performer.

“2. Hindi po ito contest.


“Kailangan pong kumita ng lahat ng platforms yan ang maliwanag. Kaya po kayo laging may booking para mas malawak ang reach ng kanilang brand.

“Totoong hakot award kayo sa TF sa panahon na namamayagpag ang soc med. Walang umaagaw nyan sa inyo.

“Mainstream artists are also adapting because of the changing times due to this reality.”

Balik-tanong ni Tuesday kay Rendon na hindi niya pinangalanan.

“Pero bakit need mong i post na laos na yung nag comment about having meaningful content?

“Director, artista, writer siya at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipag kumpetensya sa iyo. Kung ako ang tatanungin, iyo na ang milyon mong tagahanga.

“Mas pipiliin ko ‘yung talentadong tao na makaka hubog ng kamalayan ng manonood any day kesa sa iyong malaki umano ang clout pero walang respeto.

“3. Natutuwa ako sa mga maayos na soc med celebrities. In fact, fan nila ako. Nag co comment ako sa pages nila and I cheer them on.

“Wala akong nararamdaman na inggit o galit dahil sila ngayon ang gusto ng mga tao.

“Pero tama ang beteranong actor na CONTENT is king. Kailangan gamitin n’yo ang inyong new found fame for a purpose. Hindi puro prank, controversy, intriga ang bangko ng inyong channels para lang mapag usapan.

“Again, wala akong inaaway. Masakit na ayaw pasaling at feeling high and mighty ang isang tao kasi imbes na ipagbuklod mo ang viewers, nagkakaroon tuloy ng gulo sa kapwa mo celeb dahil ang kitid ng world view mo.

“Pwede namang suportahan tayo sa industriya di ba? Alam mo ang kapasidad mo, galangin mo din ang ilang dekadang craft na ng ibang tao at huwag kang mang away. Yun lamang po,” litany ng komedyana.


Dagdag pa niya, “Siguro nabasa nyo na yung article. Kung hindi man ay hanapin nyo at pihado akong kayo din magugulat.

“Hindi ko masikmura na binastos ang ginagalang kong artista ng taong ito. Maayos naman ang kanyang sinabi. Nag cause lang ng animosity between people akala ata nya cool yun.

“Sa atin pong mga manonood, maging mapanuri rin sa inyong mga fina-follow. Kung pakiramdam nyo na masamang tao yan dahil sa salita at gawa, maari po bang maghanap na lang ng ibang susubaybayan?

“Ang artist ay bantay ng kamalayan ng isang society. Hindi sanggano na basta nambubulabog at nam bu bully dahil maraming nakatambad sa kanya,” ang paliwanag ni Tuesday.

Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Read more...