Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: ‘Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!’

Michael V tinira-tira ni Rendon Labador: 'Masakit na katotohanan na laos na kayo WE CONTROL THE MEDIA NOW!'

Rendon Labador at Michael V

MATAPANG ang naging reaksyon ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador laban sa Kapuso star at comedy genius na si Michael V.

Super hot topic ngayon sa social media pati na ng mga Marites all over the universe ang naging sagot ni Rendon sa ipinost ni Bitoy sa kanyang Facebook at Instagram account tungkol sa mga content creator.

Hindi nagustuhan ni Rendon ang sinabi ni Michael V na, “The first thing any content creator should understand is the meaning of the word: CONTENT.” Kaya naman ni-repost niya sa kanyang Facebook page ang report ng BANDERA tungkol dito.


Ang nakakaloka at shocking niyang caption, “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.

“Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM,” sabi ni Rendon.

May hirit pa siyang, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaksyon o official statement si Bitoy pero narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa naging pahayag ng kontrobersyal na socmed personality.

“Rendon Labador pag matalino ka gaya ni Bitoy never kang malalaos…at si Bitoy di malalaos dahil he continues to evolve at if ever man malaos dahil sumikat sya in a very positive, motivating and inspirational way…ganern.”

“Rendon Labador kung sa talent mo at ni sir bitoy lang ang pag babasehan nsa talampakan ka lang ni sir bitoy.”

“Rendon Labador sa sobrang talino mo, ang ganda ng market strategy mo, yung no. 1 restaurant na sjnasabi mo NILANGAW,… tapos nalakadaming INVESTORS ang AYAW na mag INVEST sayo.”


“If this is true, why are big brands still getting him as endorser for decades now while you can’t even bring people to your restaurant opening? If this is true, then why did you blame a real celebrity, Coco Martin for your restaurant’s failed opening? Ano ba talaga? Kapag inaaway mo si Coco powerful ang mainstream pero kapag si Bitoy, hindi? Kahit simple test of consistent logic di pumapasa ang punto mo.”

“Si Michael V lang ang matalinong comedian na hindi nanlait or nanira ng tao para makapagpatawa. Yung sense of humor and  words of wisdom na meron sya sobrang nakaka inspire. Nakakahiya naman sayo.”

“Dami mong ebas hindi naman ako na-motivate sa motivational rice mo. Mas na-motivate pa ko sa iphone14 ni mommy oni.”

“Rendon, next time, sali ka sa PBB House para mawalan ka ng internet. At maging masaya kami dito sa Pinas.”

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Read more...