AMINADO ang rumored couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na mas naging close at mas lumalim pa ang kanilang relasyon ngayon.
Nagsimula ang pagiging magkaibigan ng dalawang Viva Artists Agency (VAA) nang magkasama sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother” kung saan nabuo rin ang kanilang special closeness.
Kaya naman nang magkatrabaho sa Viva digital series na “The Rain in España”, pareho silang natuwa at na-excite dahil nga meron silang maituturing na “past” na nabuo noon sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ayon kay Marco, mas nagkaroon sila ng chance ni Heaven na mag-reconnect nang dahil sa project na ibinigay sa kanila ng Viva Entertainment.
“I’m really really happy that I got to work with her. If people watched ‘PBB,’ like our batch, I did like her at the time but we lost track of each other.
“When we worked on the series, it’s like being with a matured version of her. I saw different sides of her that I never knew about and I liked it,” sabi pa ng binata.
Pagpapatuloy pa ni Marco sa paglalarawan hinggil sa koneksyon nila ni Heaven, “The fact that she gives me what I need… the only thing I can do is just make her happy on set as well.”
Baka Bet Mo: Marco Gallo, Heaven Peralejo keri nga bang pumalit sa dating trono nina James Reid at Nadine Lustre sa Viva?
Nang diretsahang matanong kung nililigawan na ba niya si Heaven, ngumiti muna nang makahulugan si Marco at sinabing, “Probably, maybe. Whatever it is, I’m gonna take it slow.”
Sabi naman ni Heaven, totoong mas lumalim pa ang samahan nila ni Marco nang magkasama sila sa “The Rain in España” at nae-enjoy nila together ang kung anumang meron sila ngayon.
“Compared sa ‘PBB’ noon, siguro ngayon mas deep ang emotions. I’m really happy to work with Marco. I’m really enjoying my time with him,” chika pa ng dalaga.
Sa panayam namin kay Heaven kamakailan ay sinabi niya na hindi siya nagmamadaling magka-lovelife at kung anumang meron sila ngayon ni Marco ay ipinagpapasalamat niya dahil isa raw itong especial friendship na muling nabigyan ng chance.
Related Chika:
Julia umamin: Na-miss ko pala ‘yung part na ‘yun tungkol sa sarili ko…