Aga Muhlach, Charlene Gonzales ibinahagi ang sikreto sa matagal na relasyon: Find the goodness in that person you meet

Aga Muhlach, Charle Gonzales ibinahagi ang sikreto sa matagal na relasyon: Find the goodness in that person you meet
“TWENTY two years of maraming kape kasi pagkagising mo in the morning, kuwentuhan na habang nagkakape ‘til afternoon tapos nasa kuwarto na kami (ulit),” ito ang pahayag ni Aga Muhlach kung ano ang dynamics nila ng asawang si Charlene Gonzales sa loob ng 22 years of marriage this coming May 28.

Ito ang kuwento nina Aga at Charlene sa panayam nila kay Karen Davila para sa YouTube channel nito na in-upload nu’ng Mayo 4.

Maganda ang relasyon ng mag-asawa dahil sa araw-araw ay puro raw kuwentuhan ang dalawa lalo’t wala naman silang kasama sa bahay dahil ang kambal nilang sina Atasha at Andres ay nasa ibang bansa para mag-aral.

Ikinasal ang dalawa sa St. Joseph the Worker Church Barangay Pacdal, Baguio City noong Mayo 28, 2001 at nabiyayaan sila ng kambal na sina Atasha at Andres na turning 22 years old this coming November 6.

“I think in the beginning, Aga and I have always been good friends. Maganda ‘yung relationship namin, we really get along and we both have the same vision and dream of making the family whole kasi pareho kaming galing sa broken family. Something we dreamt and desire to have a complete family,” kuwento ni Charlene kung bakit maganda ang relasyon nila for 22 years.

Anong nakita ng dating beauty queen turned TV host/actress sa aktor.

“There’s something in him 20 plus years ago na he’s God fearing, malaking bagay ‘yun, that’s really one of the secrets also,” mabilis na sagot ni Charlene.

Nabanggit din na walang mga bagaheng dala-dala ang bawa’t isa nang kasal na sila lalo’t pareho silang produkto ng broken home.

“Wala,”kaswal na sagot ni Aga.

Sabi ni Charlene, “I think that what’s help make things work for us. It makes us a go to make our family complete and to be really with one another.”

Sa tanong ni Karen kung nakaranas na ng low-point sa buhay ang dalawa.

“Low-point? Parang wala,”kaswal na sabi ng aktor.

Gayun din ang maybahay nito na sinabayan ng tawa.

Sabi ulit ni Aga, “hindi masaya talaga (kami). Ang low-point lang is ako parati maraming drama sa buhay, para bang if there is something you want to acquire and you can’t afford it, that’s low-point. Parang gusto kong mag invest dito tapos hindi ko kaya, well, you have to live with what you can afford and what you can have. What matters most was masaya ako pagdating ko sa bahay.”

Na-klaro rin na nu’ng nag-asawa na si Charlene ay hindi siya pinagbawalan ni Aga na mag-trabaho ulit. Kasikatan din kasi niya noong ikinasal sila at kaliwa’t kanan ang shows niya.

Baka Bet Mo: Aga sa kambal nila ni Charlene: Paglaki ng mga iyan mag-aasawa, iiwan din tayo..magpapamilya

“He was very supportive. I was very active also at that time and he hasn’t stop me. Actually, he’s quite encouraging as well,” say ni Mrs. Muhlach.

“Akala lang ng tao binabawalan ko siya,” diin ng aktor.

Sabi ulit, “my wife is available to work, ha. Kung gusto ninyong kunin siya magtrabaho, hindi lang puwede full-time.”

At naalala ni Karen na may nabasa siya na hindi raw gusto ni Aga na wala sa tabi niya si Charlene.

Esplika ng aktor, “pag mawawala siya ng matagal, inaawat ko na, eh.”

“When we get married, he said, ‘you can’t do movies anymore because siya na lang ang gagawa ng pelikula,” dagdag paliwanag ni Charlene.

“E, kasi hindi naman talaga siya gumagawa ng pelikula (kaya sabi ko), iwan mon a sa akin ‘yun. Ako na ang gagawa no’n.”

Hirit ni Karen na ayaw daw kasi ni Aga ng may kissing scene.

“Maiintindihan ko naman ‘yun nu’ng una but now, mas lalong ayaw ko na,” tumatawang sagot ng hubby ni Charlene.

Tawang-tawa rin si Karen sa dalawa at panay ang takip niya sa bibig dahil nga humahagakpak na siya ng tawa.

Dagdag pa ni Aga, “ang selfish ko no? Pero pag premiere night nandoon siya napapanood niya lahat (leading lady) hinahalikan ko, ha, ha, ha okay naman sa kanya.”

Hindi ba nagseselos si Charlene na may kahalikang ibang babae ang asawa.

“No! I think it helps that we are both in the same industry, so, we know how it works, what happens behind the scenes and I can take it because I married him as an actor, I married him for him and fell in love with him for who he is and I don’t wanna change that,” paliwanag ng magandang wifey ni Aga.

Sobrang secured nga raw ni Charlene sabi ng aktor at hindi raw selosa ito ni minsan.

“Mas seloso ako pero wala naman akong pagseselosan,” sambit ng aktor.

Paggising daw sa umaga ni Aga ay kakapain niya sa tabi ang asawa at pag tulog pa ay mauna na siyang baba para magkape at kapag narinig niyang bumukas na ang pinto at ang ganda ng ngiti sa kanya ay buo na ang araw niya.

“Pag narinig ko na ang asawa ko (pababa ng hagdan) masaya na ako kasi she’s parang light ang positive. Minsan may time na marami kang iniisip and then you see her, and then I’m okay angkla (anchor) ko talaga ‘to. Alam naman niya ‘yun,” pagtatapat ni Aga at napa-wow si Karen sa narinig.

Very articulate rind aw si Aga sa nararamdaman niya para sa asawa, “in a good way, so that’s also gives you security as a woman because he’s very articulate with his feelings, not over naman but just right.”

At bilang mga magulang nina Andres at Atasha ay sinanay nina Aga at Charlene na maging independent ang dalawa dahil hindi naman habangbuhay ay nasa tabi sila ng kanilang magulang kaya sa ibang bansa sila pinag-aral para matutong tumayo sa sariling paa.

Marami nga raw pumupuri sa kambal dahil napakababait at humble. Natutuwa nga si Aga dahil never sumakit ang ulo nilang mag-asawa sa mga anak nila na ‘yung ginawa niya noong teenager siya ay hindi naranasan nina Atasha at Andres.

“Dapat lang humble sila wala naman silang ipagyayabang ha, ha, ha” tumatawang sabi ng tatay ng kambal.

Hindi spoiled sina Atasha at Andres dahil hindi rin sila pinalaki ng lahat ng gusto nila ay makukuha nila, natuto silang magtipid at pagkasyahin ang kanilang allowances.

Huling tanong ni Karen kung ano ang life-verse ng mag-asawa.

Sabi ni Charlene, “not in general but just the basic principle taught to us love, kindness, respect.

Dagdag ni Aga, “never judge. Always find the kindness of everyone kasi lahat naman ng tao may bait talaga. Minsan baka may pinagdadaanan lang, so, find the goodness in that person you meet.”

“And choose to be happy ‘coz sometimes event if you’re not feeling it, you decide and choose to be happy,” sabi rin ni Charlene.

Happy 22nd Aga and Charlene!

Related Chika:
Aga Muhlach sa kaarawan ng ‘reyna’ ng kanyang buhay: Cheers to more ocean adventures with you!

Charlene muling humataw sa pagsasayaw makalipas ang ilang taon, hirit ni Aga: ‘You challenging me my love?’

Read more...