Xyriel Manabat sinupalpal ang netizen na pumasin sa buhok niya sa kili-kili: What about it?

Xyriel Manabat sinupalpal ang netizen na pumasin sa buhok niya sa kili-kili

RUMESBAK ang Kapamilya actress at dating child star na si Xyriel Manabat ang netizen na pumansin sa kanyang katawan.

Ibinahagi kasi ng dalaga ang kanyang mga larawan para sa Metro Body 2023 feature para sa Metro magazine.

Marami sa mga netizens ang pumuri sa ganda at nag-uumapw na kaseksihan ni Xyriel.

“You’ve grown to become an intelligent and gorgeous lady! keep on inspiring. naalala ko tuloy yung pagkain mo ng bread before your La-hot sexy walk! hehe. you slayed it!” saad ng isang netizen.

Comment naman isa, “Ikay pinag pala sa babaeng lahat. xyriel the slayer.”

“Gandang bata,” sey naman ni Barbie Imperial.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

Ngunit sa kabila ng mga papuri na natanggap ng aktres ay hindi pa rin talaga maiiwasang may mga negatrons na paligid.

“May hair yung armpit hahaha,” ayon sa netizen.

“Uhmm coz tao ako? So what about it?” sagot naman ni Xyriel.

Pumalag rin naman ang ibang mga netizens sa pangnenega ng basher.

“Sinadya niya talagang hanapin ang flaws para makapag comment ng negative sa isang artista,” sey ng isa.

Sabi pa ng isa, “Talas ng mata mo chismosang chismosang basher datingan mo.”

“You only live once tas ambaho pa ng ugali mo sino ka dyan,” hirit pa ng isa.

Related Chika:
Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?

Read more...