MAKALIPAS ang dalawang taon, muling magbabalik sa big screen ang hit action film na “The Fast and the Furious.”
Ito ang bagong kabanata na may titulong “Fast X” at muling pinagbibidahan ng Hollywood star na si Vin Diesel.
Kagaya ng mga naunang chapter ng action film, gagampanan pa rin ni Vin ang bidang karakter bilang si Dom Toretto.
Mapapanood sa trailer na muling malalagay sa panganib ang pamilya ni Dom, lalo na ang kanyang 8-year old son na si Little Brian.
Tila nakahanap na ng katapat si Dom at nakatakda niyang harapin ang kontrabidang si Dante, ang papel naman ng “Aquaman” star na si Jason Momoa.
“Dom has met his match,” sey ng direktor na si Louis Leterrier.
Kwento pa niya, “Dante is fluid—he’s a snake. Not only has Dante analyzed Dom for twenty years, but he’s learned from Dom and is completely unpredictable.”
Para sa mga hindi masyadong aware, si Dante ang anak ng crime lord na si Hernan Reyes, ang karakter na tampok sa naunang kabanata ng pelikula na “Fast Five.”
At dahil nga sa nangyari sa tatay ni Dante ay nakatakda itong maghiganti matapos ang ilang taon.
“Dante was dead for two minutes and came back to avenge his family. He’s studied Dom, and he’s ready to unravel everything that’s important to him. He’s taking Dom’s reputation, fracturing his family and framing the entire team,” chika ng direktor ng pelikula.
Para naman kay Jason, excited na siya sa nasabing pelikula dahil ito raw ang unang beses na siya ang magiging kontrabida.
“I hadn’t played a villain in about 10 years, and the opportunity to have that role in this franchise meant so much to me,” sambit ni Jason sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures.
Saad pa niya, “I was excited to inject a fresh and entertaining element to the character, and it was fun to figure out his specific balance of playfulness and psychopathy. Dom doesn’t understand how tricky and sly Dante is, and how Dante has duped him into his web.”
Bukod kina Vin at Jason, tampok din sa pelikula ang returning casts na sina Michelle Rodriguez, Tyrese Gibson, Chris Ludacris Bridges, Nathalie Emmanuel, Jordana Brewster, Sung Kang, Jason Statham, John Cena, Scott Eastwood, pati na rin ang Oscar winners na sina Helen Mirren at Charlize Theron.
Mapapanood din sa pelikula ang “Marvel” star na si Brie Larson, Alan Ritchson, Daniela Melchior, at ang legendary Oscar winner na si Rita Moreno.
Nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan ang “Fast X” simula May 17.
Related Chika:
Gamer na naging ‘instant’ race car driver inspirasyon sa bagong pelikula