‘Joey de Leon’ arestado dahil sa droga, pang-6 sa ‘most wanted person’ sa QC

Balita featured image

MATUNOG sa social media ang isang suspek na nahulihan ng ilegal na droga kamakailan lang.

Paano ba naman kasi, kapangalan niya ang sikat na TV host at komedyante na si Joey de Leon.

Pero paglilinaw lang ulit mga ka-bandera, ibang Joey de Leon ang tinutukoy na suspek.

Noong May 2, naaresto sa Quezon City ang 51-year-old na si Joey.

Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD), nahuli siya sa kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills bandang 2:30 ng hapon dahil sa ilegal na droga.

Ayon pa sa mga pulis, ang suspek din ang itinuturing pang-anim sa listahan ng “most wanted person” sa nasabing siyudad.

Nahaharap si Joey sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more:

SB19 pinanghinaan ng loob noong unang 3 taon sa grupo: Tama pa ba ‘tong ginagawa natin?

Read more...