Manny Pacquiao talo sa kasong breach of contract, pinagbabayad ng P282-M sa Paradigm Sports Management

Manny Pacquiao talo sa kasong breach of contract, pinagbabayad ng P282-M sa Paradigm Sports Management

PINAGBABAYAD si dating Sen. Manny Pacquiao sa Paradigm Sports Management ng halagang $5.1 million. Ito ang ibinalita ng “Cristy Ferminute” kaninang tanghali.

Binasa ni Nanay Cristy Fermin ang ipinadalang mensahe sa kanya ng kaibigang nasa Los Angeles, California USA at ayon nga sa ulat ay natalo si Pacquiao sa kasong breach of contract.

“Kanina (umaga ng Miyerkoles) lumabas ‘yung desisyon ng US Jury kay dating Senador Manny Pacquiao na bayaran ng $5.1 M ang Paradigm Sports Management.

“Siguro kaya $5.1-M, 1.8-M ‘yung danyos at 3.3 M ‘yung kailangan niyang ibalik na pera. Hayan nagkakagulo raw doon (L.A) ngayon at kalat na kalat na ang kuwento,” paglalahad ni ‘Nay Cristy.

Sabay kuwenta sa isipan ng batikang manunulat at host, “Ang laki nito, $51-M, mga 282 million pesos ito, sayang!  Sayang na sayang.”

Sabi naman ni Romel Chika, “Susme pera na magiging bato pa.”

Pinanigan ng US Jury ang Paradign Sports Management pagkatapos ng ilang linggong palitan ng testimonies ng magkabilang panig.

Matatandaang hindi sinunod ni Manny Pacquiao ang kontratang pinirmahan niya sa Paradigm Sports Management na ang makakalaban niya dapat ay ang unified Welterweight Champion na si Errol Spence, Jr. noong Agosto, 2021.

Baka Bet Mo: Manny Pacquiao first time ipinasilip ang P2.3-B Forbes Park mansion, nagpa-house tour sa cast ng ‘Running Man’

Nagkaroon ng injury si Spence kaya ang Cuban Welterweight champion na si Yordenis Ugas ang ipinalit na naging huling laban na ng Pambansang Kamao.

Nakakuha ng 9 votes ang Paradigm Sports Management at 3 naman kay Pacquiao.

Ayon sa defense attorney ng senador na si Bruce Cleeland ay hindi nag-breach ng kontrata ang kliyente niya kundi tinerminate nito ang partnership nila ng Paradigm dahil hindi nito nasunod ang mga pinag-usapan.

Base naman sa report ng ABS-CBN ay walang ibinigay na statement ang legal team ng dating senador.

Ayon naman sa legal counsel ng Paradigm na si Judd Bernstein, “It’s always nice to have justice done. Manny Pacquiao’s behavior in this case was disgraceful. As I said to the jury, he’s an extraordinary athlete, and he has an extraordinary story, but that doesn’t mean he gets a pass on being a decent human being.

“He signed the contract, didn’t live up to it, he took money likely because he was in desperate need of it, and he was dishonest throughout the process, hiding relevant facts and think that he’s had to pay a price for it which is fair.”

Bukas ang BANDERA sa panig ng kampo ni dating Sen. Manny Pacquiao.

Related Chika:
Jinkee Pacquiao itinanggi ang isyung pagbubuntis, hindi rin hiwalay kay Manny: ‘We are very much in love!’

Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Read more...